RBW II: Born To Lead

3.3K 174 67
                                    

 "Dedicated sayo, yiee maraming maraming salamat sa pagbbasa nito, nandito ka agad hahaha *u* readers, malapit na kayong magkaroon ng permanenteng trabaho dito hahaha kalma lang *u*

                                                      RAISED BY WOLVES II

                                                        " BORN TO LEAD "

" Lyra " Si Crescent ng datnan na nasa labas ng kwarto nila si Greece at Alice na mukhang nagaalala.

"Saan ka'ba nanggaling! Manganganak na yata si Lyra, sumigaw siyang bigla sa sakit ng tiyan niya hinahanap ka niya! " si Greece na ikinabigla ni Crescent bakit sobrang aga?

Papasukin niya sana ito sa loob ng pigilan siya ni Alice sa braso.

" My nagpapaanak sakanya sa loob, hintayin nalang natin na matapos" si Alice.

"Kailangan ako ni Lyra " may pakiusap sa boses ni Crescent kaya binitiwan ito ni Alice at hinayaang pumasok sa loob , sabay silang nagkatitigan ni Greece ng magsara ang pintuan.

"Bakit parang di siya masaya na magkakaanak na sila " si Greece, nakita niya ang kalungkutan sa mga mata ni Crescent.

" Napansin mo rin? " si Alice.

        Lumapit si Crescent kay Lyra na di pa tuluyang nakakapanganak,  may sakit na nakabalatay sa mga mata nito ng maupo siya sa gilid ng kama kasabay ng paghalik sa noo nito, hindi naman malalaman ng tao na Vampire ang ipinapapanganak ni Lyra dahil normal lang itong manganak, hindi narin siguro naalintana na maliit lang ang tiyan nito dahil may iba naman talagang tao na maliit lang magbuntis.

"Masyadong maliit ang tiyan niya, aaminin ko na nung una ko siyang makita hindi ko napansin na buntis siya.. ngayon lang " wika ng babaw na malapit sa paanan nito, si Monique.

Bigla ngang lumaki ang tiyan ni Lyra ng manganganak na'to , ganoon naman talaga ang mga Vampires.

"Crescent .. " naiiyak si Lyra sa sakit pero parang ayaw pa nitong lumabas pero nangiti siya ng makita ang labis na pagaalala kay Crescent.

"Ikaw ba yung manganganak? " si Lyra sa kabila ng pamumutla ay nakuha pang matawa kay Crescent .

"Lyra .. wag kang susuko .. kapag sumuko ka, susuko narin ako " si Crescent, 

"Mamaya kakagatin kita! kung ano-ano sinasabi mo ,di ako mamatay no, gusto ko na rin siyang makita.. ang maliit niyang kamay, paa at mukha na katulad ng sayo " si Lyra na labis ang kasiyahan , nagmamasid lang si Monique sa nagaganap.

        Nagsimula na namang humilab ang tiyan ni Lyra at sa pagkakataong iyon alam na niyang lalabas na ang bata. Nakahahawak sakanya si Crescent na hinahaplos ang buhok niya.

Narinig ni Alice at Greece ang pagsigaw ni Lyra para lang mailabas ang bata, tense sila pareho kaya ikot sila ng ikot kaya naman nagkabungguan sila.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now