RBW II: My Daughter

3.9K 178 35
                                    


Tsenebells here's your request character! *u*


Raised by Wolves

" My daughter "


6MONTHS LATER

UNDERGROUND WORLD


"Papa! " masiglang tawag ni Shin sa ama, nakatungtong siya sa isang malaking halimaw na siya ang tumalo.

" Grabe! ang lakas ng anak mo, mas mahihigitan ka niya Cressy! " si Vishnu na pinagpapawisan at panay ang paypay.

Ang Underground World ay tahanan pa ng mga halimaw pero may mga nilalang na doon.

Katulad noon, sa pamamagitan ng mga spell nakakapagtapon padin ang mga wizard, spell caster ng mga batang Children of Misfortune doon.

Sa tulong ng iba't-ibang magic and spells unti-unti ng nagiging bayan ang ilang bahagi ng mundo. Ang lugar kung saan ang mga pinakamalalakas ay maglalaban-laban, ang huwad na mundo na paghaharian ng nag-iisang anak ni Crescent.

Hindi nawawala ang may kaitimang fog.


Kalahati ng kapangyarihan ni Crescent o higit pa ang inialay niya para mabuo ang Castle of Glass na dalawampung beses ang laki at sakop sa Castle of Glass na tinitirhan nila ni Lyra sa mundo ng mga mortal.

Nakakita sila ng paparating na mga kalabang halimaw na napakarami ng bilang at malayu-layo pa.

" Papa! ako na , pwede ko ba silang patayin lahat? " si Shin na bumaba na sa pagkakatungtong sa natapos na halimaw.


" Dalian mo, baka hinahanap na tayo ng mama mo " ngiti ni Crescent at minasdan lang ang anak na mabilis ang pag kilos, gamit lang ang biglang humahabang mga kuko nito ay matatapos at mapagpipira-piraso na nito ang mga kalaban.


" Posible din ba na magkaroon ng dalawang katauhan si Shin tulad mo? " si Aya na nasa kabilang parte ni Crescent.

"Wala na ang Abyss na katulad noon, wala ng paghahati ang magaganap. Kailangan niyang matutunang protektahan ang sarili niya, siya ang Thanatos .. habang nakakabit sakanya ang salitang 'yon kailangan niyang maging pinakamalakas " si Crescent.

"PAPA!!!! " si Shin na ikinagulat nila kaya pinuntahan nila 'to.


"Shin?! " si Crescent , natalo nito ang lahat pero may inaaway ito.

"Papa! hindi naman siya lumalaban! " si Shin, nakita nila ang batang babae na may brown ang buhok at tila natatakot kay Shin, nabigla si Crescent ng makita ang mga pulang mata nito.


"Wag niyo po akong saktan " napakarami nitong gasgas naalala niya si Lyra noong matagpuan niya.

"Kailan ka pa nandito? " si Vishnu, panigurado na itinapon ito mula sa mundo ng mga mortal.

" Dalawang araw na po, itinapon ako ng tribo namin dahil malas daw ako. "


" Lumaban ka dalian mo! " si Shin na naiirita sa boses nito lalo pa at iyak 'to ng iyak.


"Tama na Shin " pigil ni Crescent kaya huminahon ito.

" Isasama natin siya" si Crescent na ikinabigla nilang lahat. Sumilay sa maliit na mukha ng bata ang pagkatuwa.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon