RBW II: Disappointment

4.1K 150 16
                                    

"IMPERIAL PALACE "

'"Natutuwa ako sa pagdating mo , hindi ko akalain na isang pureblood Vampire ang isa sa magiging Generals ko,Miguel Nightray " si Lord King na nasa loob ng kurtina habang si Miguel ay nakatayo lang sa harapan nito.

"Nasayo ang desisyon kung sino-sino ang mga tauhan na gusto mong makasama , maaring magmula sayo o kung gusto mo naman ay mamili ka mula sa mga taong isinailalim sa operasyon para maging mga Ghoul (an evil spirit or phantom, especially one supposed to rob graves and feed on dead bodies.)

"Siguro pipili nalang ako sakanila " matipid na wika ni Miguel.

Tumawa naman ng mahina ang Lord King "May gusto akong ipagawa sayo, gusto ko ding subukan ang kakayahan ng isang Pureblood Vampire" dagdag pa nito.

"Kahit ano, maliban sa pagpaslang sa Pamilya ko " walang kurap at walang emosyon na sagot ni Miguel, ikinangiti ng malaki ng Emperor(Lord King ) ang sagot n'ya.

"Wasakin mo ang Hethalia , at ibintang mo ang pangyayari sa ikatlong Prinsipe ni Wolveus si Crescent .. ah ika-apat ibig kong sabihin " mahina itong tumawa sa loob .

"Ang Hethalia na kalapit ng Snow Island ? " -- Miguel

"Tama , alam ko na magagawa mo iyon.Ang Hethalia ang isa sa Isla na hindi napapasok ng mga barko ng Imperial Palace, may kung anong harang na nagpoprotekta sakanila .. Karamihan sa Hethalia ay mga Vampires kaya madali para sayong alamin ang pinagmumulan ng harang " -Emperor.

"Sige " umalis na si Miguel , ngumisi naman si Lord King sa loob.

"Hindi marunong gumalang " - aniya pa.

"Isa siyang Pureblood , malakas ang tinataglay n'yang kapangyarihan at sa walong heneral ng Imperial Palace malabo ng may makapagpabagsak pa nito. " 

**

        Sa kabilang dako, tunay na naganap ang pagsugod ng mga halimaw sa Snow Island.Ngunit dahil sa tulong ni Light at magagaling na Elders at maging si Rozen natapos ang mga ito kahit pa maraming nasugatan, kabilang si Dmitri na nakahinga ngayon sa damuhan dahil sa malalang pinsalang tinamo sa mga hampas at guhit ng kuko ng mga halimaw.

"Dmitri, wag kang bibitiw kaunti nalang darating na si Elder Leone " si Rozen na nakaluhod at hawak-hawak ang kamay nito.

"Mai .. den " si Dmitri , bumulwak ang dugo nito sa bibig kaya naman nahintatakutan si Rozen.

Nilapitan s'ya ni Light at itinapat nito ang palad kay Dmitri " Heal " isang asul na enerhiya ang bumalot sa buong katawan ni Dmitri ng sabihin iyon ni Light.

"Hindi kita maaring gamutin ng husto , manghihina si Crescent ng husto kapag gumagamit ako nito kaya sana maging mabuti kana kahit papaano " si Light , tiningala ito ni Rozen.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now