RBW II: Invitation

4.3K 195 65
                                    



RAISED BY WOLVES II

" INVITATION "



" Light ! " sigaw ni Monique ng tawagan niya si Light, nakita niya ang mga kasamahan ni Rozen na nakahandusay sa hardin nila, malala ang mga sugat nito.


" Bakit? " si Light, 


" Bumalik ka, wala si Crescent dito .. may kumuha kay Rozen! " si Monique ng makita ang Lazuli sa ibaba ng hardin. 


Tinulungan niya ang mga ito at inalalayan, hindi niya macontact si Crescent, nasaan kaya ito? kasama ba to ni Rozen na kinuha? kinakabahan si Monique, malala ang mga pinsala ng mga ito, si Dmitri nakakatayo na ito kaya sinabi nito sakanya na " May kumuha kay Rozen Maiden" kahit nahihirapan itong magsalita ng inupo niya to sa sofa.


" Marami  ba sila? " kinakabahan tanong niya, di siya mapakali nag-aalala siya kay Rozen.


" Nag iisa lang siya, hindi ko siya kilala pero narinig ko na siya ang Imperial Lord " si Dmitri


" Imperial Lord?" si Monique, malaki ang tiwala niya sa Imperial Palace para nga sakanya ito ang Justice, pinaparusahan ng mga ito ang makasalanan kaya gusto niyang maging bahagi niyon, dapat ba siyang matakot na nasa kamay nito si Rozen? 


****


" Young Master " si Marco kay Greece na naglalagay ng blood tablet sa kopita nitong may wine habang nakatayo malapit sa bintana.


" Um? " si Greece,


" May nagpadala nito " si Marco na inabot ang isang sobre na may Emblem, nabigla siya ng makita na mula iyon sa Imperial Palace.


Binukas ni Greece ang sobre at tumunghay sakanya ang isang imbitasyon para sa mga nilalang na gumagamit ng Chain o espiritu mula sa Abyss , at si Alice ang Chain na hawak niya.


" Ano yan? " si Alice na pupungas-pungas dahil kagigising lang.


" Imbitasyon para sa mga Chain Master .. " si Greece na tinignan si Alice na nabigla din.


" Kung sasali kayo sa paligsahan ni Alice nasisiguro ko na kapag marami kayong natalo unti-unting mababawasan ang galaw ng orasan na simbolo ng kontrata ninyo, kapag nakapatay kayo ng maraming chain lalaki ang chansa niyo na manatiling buhay ng matagal " si Marco,


"Kailangan kong makita si Lacie, maaring ginagamit siya ng kung sino " si Alice, wala ng nagawa si Greece kundi sumangayon.


" Alam na alam nila kung sino ang may Chain, nakakapagtaka " si Greece na tumingin ng seryoso kay Marco.


" Maaring buuuin ang grupo ng sampung miyembro, hindi lahat kailangan may Chain " dugtong pa ni Greece.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now