RBW II: The Good and the Evil

4.1K 204 67
                                    

** Nakita ko na ang nawawalang chapter haha ! Pasensya.. So simulan na natin ang pag uupdate ng RBW II.. Do support this story or else I need to hold this and try a new story. . ;> thankyouuu !

About sa story or readers na sumali dito , gusto kong ipaalam sainyo na may ibang hindi nagbigay ng codename kaya maeencounter nung mga reader na yon ang realname nila .. ;>

                                        THE EVIL HALF

                             " "

 

 

LYRA'S POV 

 

Nakahanda na yung maleta namin, aalis kami pansamantala sa ibang lugar kami titira ni Crescent .Biglaan , agad-agad.Hindi ko nga alam saan kami pupunta, ang alam ko lang aalis kami para mag-iba naman daw ang surrounding namin.

"Mag-iingat kayo " si Lolo na inihatid kami hanggang sasakyan.

"Sila ang magingat kay honeybabe " ngiti ko kay Lolo bago ko siya kinawayan at pumasok na ko sa tabi ni honeybabe sa backseat.Hinatid kami ng Butler namin sa bahay hanggang sakayan ng barko.

Sumakay kami sa barko , ang ganda ngayon lang ako nakasakay dito ibig sabihin sa isla kami pupunta.

"Saan Isla tayo pupunta?  "ako kay Crescent ng magsimula ng umandar ang barko.

"Lyra ! " boses ni Greece,  paglingon ko si Greece nga kasama si Alice.

"Kasama din kayo? " ako na sobrang nangiti,  

"Mahiya ka , masyadong malakas ang boses mo pinagtitinginan ka" ngisi ni Crescent kay Greece, ayan na naman sila pero close sila maniwala kayo.

"Nakatingin sila dahil sa kagwapuhan ko , di kana nasanay daddy" si Greece na diniinan pa ang daddy para talagang mainis si honeyloves ko natatawa nalang ako.

May isang lalaki na servant sa barko na yon ang inaya na kami sa kwarto namin , magkakasama kaming apat malaki naman yung kwarto at may 2 master's bed.

"Saan kaya kami pupunta? " kanina ko pa yan tanong ha, wala akong mapagtanungan, si Alice nalang ang kasama ko sa kwarto yung dalawa nawala na naman ng sabay.

"Alice ,ano bang itsura ng Abyss? " naupo ako sa gilid ng kama namin ni Crescent paharap kay Alice na abala sa pag-aayos ng gamit nila.Tumigil naman siya at naupo sa gilid ng kama at tinitigan ako ng masama.

"Ang abyss, nakokontrol siya ng mga Children of Misfortune ang kakambal ko nagagawa niyang gawing paraiso ang lugar, pero sa totoo lang masalimuot siya.Madilim , mabagal ang pagtakbo ng oras, madalas nakakarinig kami ng hinaing ng mga namamatay , pinahihirapan , lahat ng laman ng abyss ay umaasam ng contractors pero dahil sa orasan na to " ipinakita niya ang orasan malapit sa dibdib niya na hindi pa nabubuo ang korteng bungo."Kapag nabuo ang korteng bungo nito kusa na kaming kukunin ng abyss pabalik  kasama ang contractors, maghihirap ang buong katawan na gugustuhin mo nalang mamatay pero hindi mo magagawa dahil may mga kadenang babalot sainyo at sunod na doon ang kamatayan " seryoso niyang tugon.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now