RBW II: Heartache

3.3K 174 61
                                    


RAISED BY WOLVES II


" HEARTACHE "



" Pinatay mo siya, hindi kita mapapatawad at hanggang sa kahuli-hulihang lahi mo masisira sa mundong 'to! " sigaw ni Rozen , nakarinig sila ng mga tunog na tila mga nag-aawitang anghel at liwanag na sumibol sa buong bayan. Lahat nakatingin sa nagaganap na pagsasabog ng liwanag at ilang daang anghel ang naglitawan mula sa paraiso ng mga bituin, hawak ang mga pana nito.


" Rozen " si Light, hindi niya alam na isang anghel mula sa paraiso ng mga bituin si Rozen. Isinuplong ni Rozen ang pagkakaroon ng anak ni Crescent na isang Thanatos na kailangang maglaho sa mundo.


" Shin .. " marahas ang lingon ni Crescent, hindi niya alam kung paano niya pupuntahan ang anak niya nang hindi natatapos ang gawain niya. Sinugod niya si Rozen at pinutol ng espada ang mga pakpak nito na ikinadugo ng mga 'yon napaluhod 'to at sumigaw ng malakas, dahilan para may mga anghel na lumabas sa paligid nila at tinapatan siya ng mga pana.


" Rozen bakit ! " si Light na nabigla, hindi na nag-iisip si Rozen.


" Bakit mo siya pinatay!!!!!! mas mabuti na mamatay na tayong lahat!!!!!! " si Rozen, tila doon lang nito naramdaman na totoong nawala na ang Crescent na minahal nito.


Nagsimula nang lumiyab ang buong lugar, hindi bumanggit nang chain si Crescent pero bumukas ang isang magic circle sa paanan nito. Galit na galit ito, pipira-pirasuhin niya si Rozen at ang mga anghel nito. Walang sinoman ang magpapalayo sakanya sa dalawang minamahal niya.


"Crescent! " narinig niya ang boses ni Lyra, may tatlong anghel sa likuran nito. " Umalis ka na! sasaktan ka nila, umalis ka na! " sigaw ni Lyra, hindi niya gustong nakikitang umiiyak na naman 'to at nasasaktan. Hindi dapat masaktan si Lyra, hindi dapat malagay sa panganib si Shin.


" Sumuko ka na .. isuko mo ang Thanatos at magkaroon ng panibagong buhay o pare-pareho kayong mamatay sa lugar na 'to " Isang naka-armored hanggang ulo na anghel na bumaba sa harapan ni Crescent ang nagsalita, ito ang tumatayong lider.


"Crescent !!!!!! " Nabitiwan ni Lyra ang libro at dinampot iyon ni Light, hindi 'to masaya sa nangyayari pero sobra na ang ginagawa n Dark, pinatay nito ang isang Crescent at inilunsad nito ang New Moon Drop kung saan maging ang inosente sa Imperial City ay namatay dahil sa nakamamatay na liwanag ng buwan na humingi ng buhay bilang kapalit.


" Light .. tulungan mo siya " si Lyra na umiiyak, hawak siya ng dalawa sa mga anghel.


" Lyra, patayin mo na siya .. hindi ka niya sasaktan, hindi lang ikaw ang maliligtas maging ang ibang mga kasama mo ,kaybigan mo, sasakupin ng dilim ang mundo kaya wag mong isipin ang sarili mong kaligayahan! " si Light na inabot sakanya ang libro kung saan naroon ang incantation na maglalabas ng espadang kikitil sa buhay ni Crescent.


" Anong sinasabi mo! hindi ko siya magagawang saktan! baliw ka na!! " si Lyra na di napigil magalit kay Light.


" Lyra, makinig ka! Nasa panganib lahat, kapag nagtuluy-tuloy siya! Ikaw lang ang iniisip niya, ikaw lang ang mahalaga sakanya kahit marami siyang masagasaan! " hinawakan siya ni Light sa kamay " Lyra.. hindi siya ang minahal mo, pinatay niya ang totoong Crescent .. patayin mo na siya, nililinlang ka lang niya " sa mga sinabi ni Light hindi na alam ni Lyra ang gagawin, naisip niya ang mga kaybigan niya, ang masasayang Wolves sa palasyo, at ang lalaking minamahal niya na sinasabi ni Light na hindi totoo at ang nakita niyang pinatay nitong Crescent na nagligtas sakanya kanina, bakit ayaw niyang maniwala, parang di niya kakayanin!

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon