TWD 13

39 1 0
                                    


[ARIUSA'S POV]


"Patawad kung hindi namin kami naniwala sa inyo."

"Naku, ayos lang po. Hindi po namin kayo papatayin dahil kayo po ang magliligtas sa aming lahat."

Napatingin ako kay Prico. "Nang dahil sa ginawa mo, nawalan na tayo ng pagkain."

"Pasensya naman. Akala ko talaga, kalaban natin sila." Napakamot pa siya sa kanyang ulo.

"Saan tayo makakahanap ng pagkain nila? Wala na kong salapi," sabi ni Sarah nang ipakita niya sa amin ang laman ng kanyang pitaka.

"Sa pagkaka-alam ko, may sinabi si Cercan tungkol sa isang greenhouse na nandito sa lugar na 'to."

"Greenhouse?" tanong ko kay ate Sagi.

Tumango naman siya sa akin. "Puntahan na lang natin 'yon kapag nagising na siya."


Napatingin kami kay Dorothea na natutulog ngayon dito sa kuwarto niya. Pa'no ba naman kasi, bigla na lang siya nawalan nang malay. Akala ko, babagsak na kaming lahat sa sahig pero, nasalo naman kami ni Nynssa. Sa kanilang dalawa, siya lang pala ang may kapangyarihan katulad kay Dorothea.


Ang hindi ko lang maisip, bakit nadiskubre nila si Dorothea nang makuha namin ang Element? Sinabi rin nila na sila ang nakahanap sa lumang mansyon na 'to. Hindi ko alam kung dapat ba sila pagkatiwalaan pero...


"Kailan kaya siya magigising?" tanong ni Prico.

"Alam mo, kasalanan mo rin kung bakit siya nawalan nang malay."

Nang sabihin 'yon ni Niel, dahan-dahan siya lumingon sa kanya. "Bakit ako na naman?"

"Kung hindi mo pinakita kay Dorothea ang ginawa mo, malamang, hindi siya matataranta sa atin."

"Ikaw nga, gusto mo na silang hawakan, e." Tinuro ni Prico ang dalawang babae na nasa tabi ngayon ng kama ni Dorothea.

"Tumigil na nga kayo," ani ate Sagi, "tayong apat ang dahilan kaya siya nataranta."

Tumango naman ako. "May punto naman siya."

"Pero, hindi ko pa rin alam kung bakit siya nawalan nang malay." Dagdag pa niya.

"Mukhang may nakikita siya na hindi natin nakikita."

Tumingin kami kay Sarah. "May sinasabi siya na mga pangalan. Pero, hindi kayo ang binabanggit niya."

"Teka, teka." Lumapit si Prico sa kama para matapatan ang dalawa, "alam niyo ang mga pangalan namin?"

Sabay silang tumango.

"Aba naman, hindi ko naman pinakilala ang sarili ko sa ibang bayan."

"Magmula nang may nakita kaming liwanag sa bundok ng Diphda, nagkakasiyahan na ang mga tao sa bayan namin. Habang papunta kami sa Diphda, kada bayan na madadaanan namin, binabanggit ang mga pangalan niyo bilang mga Zodiac Protectors," sabi ni Sarah.

Paano sila nakakuha ng impormasyon tungkol sa amin?

"Kaya binilin namin kay Dorothea na 'wag kayo palabasin dahil hahanapin kayo ng mga tao," sabi ni Nynssa, "pero, mukhang ayaw makinig ng iba niyong kasama."

"Hala, baka pinagkakagulo na sila ng mga tao ngayon do'n," sabi na lang ni Niel.

"Wala naman kasi masama kung babalik kayo sa kanyang-kanya niyong palasyo," sabi ni Sarah, "kaso, nasa inyo na ang mga Element. Gagawa ng paraan ang kalaban niyo para kunin 'yan."

They Were Destinedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن