Kabanata 15

13 1 0
                                    

Kabanata 15

Nakakainis na pinabalik agad ako ng nurse sa room. Hindi naman daw ako nilalagnat at kahit sinat ay wala. Alam ko naman iyon dahil hindi naman talaga masama ang lasa ko.

Nalate kami pagkarating sa room. Nagkaklase na si Miss Gomez na teacher namin sa General Physics 1.

Nilingon ko pa si Navi na dumiretso na sa kaniyang upuan. Mabilis na tumayo si Lei para padaanin siya. Nangunot ang noo ko nang sa unahan pa niya talaga dumaan si Navi.

Kainis. Puwede namang sa kabilang gilid na lang. Doon pa talaga dumaan ang babaeng 'to.

"Why are you still standing there, Mr. Vasquez?"

Natauhan ako sa tawag ni Miss Gomez kaya magalang akong tumango sa kaniya at tumungo na rin sa upuan ko. Nakangisi si Gray nang lumingon sa akin.

"Ano? Ayos ka na?"

"Tsk." Hindi ko siya pinansin at nakinig na lang kay Miss. Dalawang subjects pa ang dumaan bago kami nagkaroon ng 15 minutes break.

"Tara na, Jett!" Yaya agad ni Gray nang tumayo siya. Nakatayo na rin si Calli at nakatingin silang dalawa sa akin.

Bahagya kong sinilip sa gilid ng mga mata kung tatayo ba si Navi pero nanatili siya sa kaniyang upuan. Umirap pa ako nang makitang hindi rin tumayo si Lei.

"Dito muna ako."

"Ha? Bakit?" Si Gray. "Hindi ka magr-recess?"

"Mamaya na lang sa lunch. Busog pa naman ako."

Nangunot ang noo ni Calli. "Ang weird mo, Jett ah."

Tumingin si Gray sa puwesto ni Navi at humalakhak na naman ang loko. Kainis talaga 'to.

Nagtatakang tiningnan siya ni Calli. "Why? Bakit ka natawa?"

Umiling-iling si Gray na ngayon ay nakangisi na. "Hayaan na natin si Jett, Calli. Halika na. Bilhan ka na lang namin."

Tumango ako. Inayos ko ang pagkakaupo nang matira kaming tatlo sa loob ng classroom.

Ipinatong ko ang dalawang braso sa table at doon sumubsob. Tumahimik ako para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Birthday ko sa isang araw, Navi. Aasahan kong pupunta ka ah?"

Aba. Bakit siya lang?

"Saan ba ang inyo, Lei?" Malumanay na tanong nito. Parang medyo malambing.

"Sa Sabang lang, Navi. Malapit lang din sa inyo. Isang tricycle lang. Uh..kung payag ka, susunduin kita." Mahinang sinabi nito.

Nakuyom ko ang kamao. Hindi ko nagugustuhan ang naririnig ko.

"Hindi ko alam, Lei e. Baka..gabi na ako makapunta."

"Bakit? Wednesday 'yon. Maaga naman ang labas natin."

Siraulo. May trabaho kasi 'yan.

"May trabaho ako pagkauwi e."

O diba, bobo talaga 'tong si Lei.

"Talaga? Ang cool!"

Luh. Anong cool doon?

Hindi nagsalita si Navi. Tumawa si Lei.

"Kung ganoon, mas gusto kong sunduin ka."

Peste. Hindi ko na 'to kaya.

Umahon ako mula sa pagkakasubsob at tiningnan sila. Napanguso ako nang makitang nagtititigan silang dalawa. Napakurap-kurap ako. May kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now