Simula

127 3 0
                                    

Sabi nila ang panlabas na anyo ang unang nagiging dahilan kung bakit nagugustuhan ang isang tao.

Tama naman. 100% sure 'yan.

Kapag may nga maganda sa harapan ko, tila may spring ang leeg ko at lilingon agad doon.

Hindi ako nagmamalinis. 'Yan talaga ang dahilan kung bakit nagugustuhan ko ang isang babae.

Bonus na lamang kung mabuti siyang tao. Pero required talaga na maganda siya bago ko magustuhan. Kasi sayang naman ang kaguwapuhan ko kung hindi ko ibabahagi..sa mga magaganda.

Maganda naman ang lahat ng tao. May mga pinagpala lang talaga.

Natawa ako sa naisip. Masyado naman akong judgemental.

Maunti lang naman talaga ang mga dahilan kung bakit ko nagugustuhan ang isang tao.

1. Singkit ang mga mata...na maganda.

2. Sakto lamang ang tangkad..na maganda.

3. Mabait..na maganda.

4. Sexy..na maganda.

5. Babae na maganda. Basta maganda ka. Pasado.

Pero bakit tila walang nasunod sa limang iyon?

Nagkagusto ako sa isang tao na hindi ko kilala.

Nagustuhan ko siya hindi dahil sa mga dahilan na madaling maipaliwanag.

Ni hindi ko pa nga siya nakikita. Hindi ko alam kung singkit ba ang mga mata niya o katamtaman lamang. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Hindi ko nga alam kung matangkad ba siya o sakto lang ba kami kapag magkatabi?

Wala akong alam tungkol sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung paano ko siya nagustuhan.

Minsan, tinatanong ko ang sarili. Gusto ko ba talaga siya, o gusto ko lamang ang mga akda niya?

Mahirap ipaliwanag pero alam kong kakaiba siya sa lahat.

Gusto ko siyang makilala. Interesado ako sa kaniya.

Ngunit kahit hindi ko alam ang mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya, isa lang ang sigurado ako.

Kaya kong maghintay kung kailan siya handang magpakilala.

Maghihintay ako sa kaniya.


_____

This is my new story! Maikli lang 'to. One shot lang kasi 'to noon ngunit gaya ng sa She's A Fake Seer, nakulangan din ako so here we go again.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now