Kabanata 6

14 2 0
                                    

Kabanata 6

Hindi na ako nakagalaw nang muli siyang lumingon sa akin, natatawa pa rin siya habang pinagmamasdan ako.

Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko.

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Hindi ko gustong marinig kayo. Nagkakataon lang."

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya.

Ngumuso si Navi. Natigilan ako. Parang may bumara sa bibig ko para lalo kong hindi maibuka iyon.

Buwisit naman. Ngumuso pa kasi ang isang 'to e. Ang cute niya-

Kadiri, Jett! Hindi dapat.

Si Calliah lang ang cute!

"Naiinis ka na ba?" Nagtanong pa talaga. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Sorry na."

T-Tangina naman.

Umiwas ako ng tingin at tumingala sa kisame ng CR kung nasaan kami. Aaminin kong may kumiliti sa tiyan ko nang sambitin niya iyon.

Baduy. Ano bang nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo at inaaswang na ako?

"Ayos ka lang?" Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Gulat akong umatras nang bigla siyang humakbang. "Anong nangyayari sa 'yo?"

"H-huh?" Umiling ako. "Huwag ka ngang lumapit!"

"Okay." Nagkibit-balikat siya.

"Diyan ka lang." Binuksan ko ang gripo at muling naghilamos. Pagod lang siguro ako. Oo tama.

Abala ako sa paghihilamos nang bigla na naman siyang magsalita.

"Alam ko na kung bakit ang daming babaeng lumalapit sa 'yo." Natigilan ako at pinatay ang tubig.

"Bakit na naman ba?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Natawa siya saglit at tinitigan ang buong mukha ko. Tila ba pinag-aaralan niya iyon. Pinilit kong hindi umiwas ng tingin kahit nanginginig na ang mga labi ko.

"Guwapo ka pala."

Nanlambot ang tuhod ko kaya lumagapak ako sa sahig. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya at akmang tutulungan ako nang bigla kong itinaas ang kamay, signaling her to stop. Just stop, Navi. Fuck.

"H-Huwag kang lalapit."

Napakurap-kurap siya. "Hindi naman ako si swiper."

At ang potek, nakuha pa talagang magbiro. Hindi ko siya pinansin at dahan-dahang tumayo. Ang sakit, buwisit! Biglaan kasi ang pagkabagsak ko. Literal na nanlambot ang mga tuhod ko. Ang weird.

"Aray." Daing ko nang maramdaman ang sakit sa kabilang pisngi ng puwet ko.

Bumuntong hininga si Navi at walang sabi-sabi niya akong hinawakan sa braso. Gulat ko siyang tiningnan nang may kuryente akong naramdaman.

G-Gagi. Ano 'yon?

"Ang lampa mo naman. Nag e-exercise ka ba?" Inis na aniya sa akin habang tinutulungan akong tumayo.

Hindi naman ako nakapagsalita at nanatili lang ang mga mata sa mukha niya. Kunot na kunot ang noo niya at bahagya pang nakanguso ang mga labi.

Pucha, ang ganda niya.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang tinulak. Gulat niya akong tiningnan.

"S-Sorry."

Kunot-noo siyang tumango at pinagpagan ang mga kamay. "Tinulungan lang kita. Wag kang mag-alala at wala naman akong malubhang sakit. Hindi ka mahahawaan."

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon