Kabanata 24

1 1 0
                                    

Kabanata 24

Inaantok akong bumaba nang hagdanan nang tumunog ang alarm ko kaninang 6AM. Naligo na rin ako dahil tutulong ako ngayon sa paggagayak sa bakuran namin. Taka kong sinilip ang mga taong labas-pasok sa aming bahay.

Anong ginagawa nila?

"Jett? Gising ka na?" Si Mama na masyado namang obvious ang tanong.

Nakatunghay ito sa akin kaya naman ngumiti na lang ako.

"Yes, maganda kong ina!" Tumakbo ako papaba ng hagdanan at hinalikan agad siya sa pisngi. "Happy birthday, mahal ko! Happy birthday, Mama!" Pinugpog ko ng halik si Mama kaya naman halos mapailag ito sa akin.

"Aray ko! Ang sakit ng hawak mo!" Reklamo ni Mama na natatawa pang hinampas ang braso ko. "Thank you, Jetty." She kissed me on my cheek. "Tamang-tama at tulungan mo ang Ate mo sa labas."

"Paano ako tutulong? Eh ang dami ng tao." Tiningnan ko ang mga tao sa may bakuran namin.

"Mga naghatid lang 'yan ng mga kurtina na hiniram ng Papa mo." Aniya at tinapik ako sa braso. "Sa kusina muna ako ah, may niluluto pa ako."

Tumango ako at hinalikan pa siya sa pisngi. Tinungo ko ang labas ng bahay. Nakasalubong ko pa ang dalawang binata na may bitbit na malalaki at makakapal na cream na kurtina.

Buti na nga lang ay pumayag si Papa na rito na lamang maghanda. Ang alam ko kasi ay balak pa dapat magrent ng place sa may bayan, kaso hindi na pumayag si Mama at dagdag gastusin lang daw. Mas mabuti raw na rito na lamang sa may bakuran at aayusan na lang. Pumayag na rin si Ate Jess noon para mas magamay ang mga bisita. Wala naman akong say sa mga ganiyan kaya hindi na ako nakikisali kapag mga ganiyang usapan.

Basta ako, kahit ano ay okay sa akin. Hindi naman kami sobrang mayaman talaga, sakto lang.

Humikab akong muli at tumungo na sa may gilid ng bahay namin kung saan gaganapin ang program mamaya. Wala naman masyadong ganap, si Ate Jess lang talaga ang naghanda ng kung anu-ano dahil papupuntahin niya rin daw ang mga kaklase at kaibigan niya kaya dapat hindi raw mabored.

Pupunta rin siguro ang ibang kamag-anak namin.

"Jett! Gising ka na pala!" Si Kuya Ron at tinaas pa ang kamay.

Nakangiti namin iyong pinagdikit. "Kumain ka na, kuya?"

"Oo, kanina pa. Bago kami naggayak dito."

Sabay naming tiningnan ang bakuran na unti-unti nang nagiging aesthetic.

"Ganda, kaninong idea ang ganito?"

"Sa ate mo," Kuya Ron smiled. "Alam mo naman 'yon, mahilig magdesign ng kung ano."

Puno ng maliliit na lamesa ang buong bakuran. May mga tela iyong kulay krema at may mga halamang nakalagay sa gitna. May apat ring bakal na upuan ang bawat table at sa gitna niyon ay ang daan na nilagyan ng telang brown, papunta iyon sa malaki at mahabang tabla na gagawin yatang stage na may tela ring kulay krema.

Sagana sa tela ah. Saan kaya ito binili ni Papa? Hindi naman basta-basta nakakahiram ng ganito.

Napatingin ako sa may gilid ng stage na may nakalagay na malaking lamesa, maayos rin ang gayak noon.

Hmm, minimalist style. Maganda nga dahil ganito ang mga hilig ni Mama.

"Ano palang gagawin doon sa may stage?"

Tumawa si Kuya Ron. "Hindi ko alam sa Ate mo eh. Surprise niya raw kay Tita."

Tumango-tango ako at pinagmasdan pa ang gayak noon. Buti na lang at hindi inalis ni Ate Jess ang mga halaman ni Mama sa gilid, tiyak na sandamakmak na sermon ang aabutin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon