Kabanata 10

9 1 0
                                    

Kabanata 10 🔞‼️

"Kakaiba na 'yang titig mo ah!"

Nabalik lang ako sa wisyo nang mahina akong itulak ni Gray sa dibdib. Ngumuso ako nang humalakhak pa talaga siya.

"Bading ka ba, Jett?!" Tawang-tawa ang gagi.

"H-Hindi, abnoy." Umiwas ako ng tingin at wala sa sariling nagpatuloy sa paglalakad.

Kung nagsusulat si Calli? May posibilidad na siya si Iamlost? Eh paano kapag hindi? Eh paano pag oo? Ano..susuyuin ko ulit?

Dinig ko ang paghabol niya sa akin kahit na maputik kaya naramdaman ko ang pagtalsik ng putik sa likuran ko!

Inis ko siyang nilingon. "Huwag kang tumakbo! Bobo naman!"

"Luh? Inano kita?"

Inginuso ko ang likod ng binti at puro putik na 'yon. "Ang putik mo oh!"

"Gagi! Akin 'yan? Iyo 'yan! Sa paglalakad mo 'yan, abnoy!"

Nangunot ang noo ko at inis na kumuha ng mga dahon at ipinunas doon.

"Mandadamay pa, paa mo naman 'yan. Baliw ka ba?" Hindi pa rin talaga tumitigil ang isang 'to.

"Iyo naman 'to." Bulong ko.

He chortled. "Pinupush pa rin talaga! Sa paa mo nga 'yan! Sa paglalakad mo!"

"Eh bakit nagagalit ka? Itapon kita sa tulay e."

Humalakhak siya at tinapik-tapik ang likod ko. "Mas kabisado ko 'to kaya mag-ingat ka at baka ikaw ang itapon ko."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya natakpan niya ang bibig. Tinapon ko na ang mga kawawang dahon at pinagpagan ang mga kamay. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng mas marahan.

"Don't worry, at pagkatapos nito..kaunti na lang nasa tulay na tayo-"

"Tsk. Kanina ka pa tulay ng tulay! Eh parang walang katapusan 'tong putik dito!"

Tumawa siya. "Galit na galit? Teka bakit biglang nagbago ang mood mo? Ano nga bang pinag-usapan natin kanina..hmm."

"Wala! Tsk! Tara na. Baka hindi na tayo makatulong kina Calli, magtatanghali na." Iwas ko.

Naningkit ang mga mata niya ngunit kalaunan ay sumunod na nga sa akin. Ilang lakaran pa ang ginawa namin bago ko narinig ang pagragasa ng mga tubig. Nanlaki ang mga mata ko kay Gray. Tumawa siya at tumango.

"Narito na tayo, dahan-dahan ka sa paglalakad at sira 'yan baka bukas o makalawa makuha ang bangkay mo pag nadulas ka."

"Salamat ah?" Sarkastikong ani ko.

Tumawa siya at nanguna na sa paglalakad. Humawak si Gray sa madulas na kawayan na nagsisilbing hawakan saka dahan-dahan na naglakad. Pinalayo ko muna siya bago ako nagsimulang maglakad. Napatingin ako sa ibaba at namangha nang makita kung gaano kabilis rumagasa ang tubig.

Grabe pag nalaglag ako rito, baka tama si Gray, bukas o sa makalawa pa mahahanap ang guwapo kong bangkay.

Tinatawid ito nila Calli? Grabe naman!

"Hoy, Gray."

"Oh?"

Tiningnan ko siya at medyo malapit na siyang makatawid samantalang patungo pa lang ako sa gitna.

"Tinatawid ito nila Calli?" May bahid ng inis sa boses ko kaya lumingon si Gray sa akin.

"Hindi ah. Kaya pa 'yon payagan ng Mommy at Daddy niya. Sa mas malayong daan sila dumadaan, saka may sasakyan 'yon." Sagot niya habang nakangiti.

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon