Kabanata 12

9 1 0
                                    

Kabanata 12

Ano naman kasing masama sa paghingi ng number ng isang babae?

Parang tanga itong si Gray at sunod-sunod ang pang-aasar sa akin. Buti na lang at sinend niya ang number ni Navi kaya hindi ko magantihan.

Umayos ako ng upo at kabadong nag-iisip kung anong sasabihin ko. Paulit-ulit kong pinasadahan ng mga daliri ang buhok.

Ako:

Good evening. This is Jett. Pauwi ka na? Sunduin kita?

Nakagat ko ang dila. Baka magulat ito sa text ko. Binura ko iyon at nagtipa ng panibago.

Ako:

Hi, good evening. Si Jett ito, 'yong hinawakan mo sa tulay? Oo ako 'yon. Pauwi ka na ba?

Ginulo ko ang buhok at muling binura ang naitype. Bakit humihina yata ang skills ko?!

Ako:

Good evening, Navi. Gusto ko lang itanong kung pauwi ka na? Si Jett ito :)

Tumayo ako at inis na hinagis ang cellphone sa unan. Bakit hindi ako masatisfied sa mga itinitipa ko?!

Kinuha ko ang cellphone at muntik na akong panawan ng ulirat nang makitang na-sent iyon! Pota! Naisent ko?

Paulit-ulit kong binasa ang huling mensahe at nagdasal na lamang na sana ay wala siyang maisip na kung ano.

"Bakit may smiley face?!" Halos magrebelde ako sa sama ng loob.

Malawak naman ang pang-unawa ni Navi kaya sana..hindi siya mag isip ng kung ano sa mensahe ko.

Habang wala pa siyang reply ay nagbasa muna ako ng mga story ni Iamlost. Nasapo ko pa ang noo nang malimutan kong itanong  kay Gray kung ano ang username ni Calli sa wattpad.

Tiningnan ko ang oras at nangunot ang noo ko nang makitang eight na ng gabi pero wala pa siyang reply.

Masama man sa loob ko ang sunod na gagawin ay wala akong nagawa.

"Hello, Jetty boy?" Natatawang sagot ni Gray sa muling tawag ko.

Nakatanaw ako sa bintana at nakikita ko pa ang mga nakatambay na aso. Bumuntong hininga ako.

"Alam mo ba kung saang convenience store si Navi nagtatrabaho?" Mahinang tanong ko.

Halakhak ni Gray ang narinig ko sa kabilang linya. May narinig pa akong parang naglakad siya.

"Baka sunod na tawag mo ay tanungin mo na kung saan siya nakatira. Ang creepy mo, Jett."

Umirap ako. "Saan nga kasi?"

"Okay! Kalma! Bakit? Pupuntahan mo ba?"

"Hindi kasi ako makatulog." Ipinatong ko ang siko sa bintana.

"Hmm at bakit?"

"Gabi na siya kung umuwi, tapos madilim pa sa dinadaanan niya.. madulas pa sa tulay." Hindi ko matuloy ang sasabihin.

Humugot ng malalim na hininga si Gray. "Naiintindihan kita kasi nagulat din ako na gabi na pala siya kung umuwi."

Natuwa naman ako. "Kayanga e. Gusto ko sanang sunduin."

Natahimik sa kabilang linya kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi.

"Sige lang, Jett. Alam ko kung saan siya nagtatrabaho." Tumawa siya. "Pasensya na, nagugulat lang ako sa 'yo!"

Ilang pang-aasar pa ang natanggap ko kay Gray bago ako nagpaalam. Sinabi niyang malapit lang daw iyon sa bayan. Napag alaman ko na sa malaking convenience store pala siya nagtatrabaho. Alam ko iyon kaya nagpasalamat ako sa kaniya.

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon