Kabanata 14

11 1 0
                                    

Kabanata 14

Mabilis na paalamanan lang kay papa at pumasok na ako ng gate. Medyo maaga nga yata ako dahil wala pa masyadong naglalakad na mga junior high sa tabi-tabi. Wala ring nakatambay sa labas ng room nila.

Diretso ang lakad ko sa dulong building kung nasaan ang mga classroom ng senior high. Dumiretso agad ako sa floor namin at natigilan pa ako nang makita si Erika na mukhang nag-aabang sa labas ng classroom ko.

Shit. Anong ginagawa nito rito?

Umayos siya ng tayo nang makita ako. Inayos niya pa ang buhok at humalukipkip habang palapit ako.

"Erika." Tawag ko.

Tumaas ang kilay niya. "Ano 'yong ig story mo? Sinong kasama mo, kagabi?"

I creased my forehead. "Ano naman ngayon?"

"What?" Muntik na siyang mawalan ng balanse sa pagkapahiya.

I sighed. "Erika, wala kang pakialam kung sino ang kasama ko kagabi. Hindi naman kita girlfriend."

Nanlumo ang mukha niya. "Pero..may nangyari sa atin."

My eyes widened. Tumingin-tingin pa ako sa tabi-tabi at baka may makarinig.

"Anong may nangyari? Simpleng make out lang 'yon."

"Oo nga, ganoon na rin 'yon. Tapos hindi mo pa rin ako girlfriend?"

"Hindi ba ayaw mo rin namang makipagcommit? Kayanga pumayag ako na mangyari 'yon sa atin dahil unang-una, ikaw ang lumapit sa akin."

Natigilan siya. Akma pa siyang magsasalita ngunit tinikom niya na lang ang bibig at nilagpasan ako.

Bumuntong hininga ako at inis na sinapo ang mukha. Medyo nabawasan ang saya ko ngayong umaga ah. Napatingin ako sa likuran nang makarinig ng mga yabag. Nginitian ko ang mga iba kong kaklase na pumapasok. Nanliit ang mga mata ko nang makita si Xen.

Inayos ko ang bag at lumapit sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Oh? Bakit, Jett?"

"Inaaway mo pa ba si Navi?"

Nangunot ang noo niya bago umiling. "Hindi na ah. Naiirita lang ako roon at hindi naman naimik."

Tumango ako at mariing hinawakan ang balikat niya. "H'wag mo nang gagalawin 'yon ah? Ako na ang makakaharap mo."

Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Gusto mo ba 'yon?"

Hindi ako nakapagsalita. Napaayos ako ng tayo.

Tumawa siya. "Hindi naman diba? Sino namang magkakagusto sa weird na 'yon?"

Humigpit ang hawak ko sa balikat niya. "Maraming magkakagusto kay Navi dahil maganda at mabait siya. Kaya umayos ka, Xen."

Masama ang tingin niya sa akin. Nilabanan ko iyon kaya bumuntong hininga siya at tumango.

"Oo na. May gusto nga rin si Lei sa kaniya."

Nagpantig ang tainga ko. Ito na naman si Lei, epal na naman.

"May gusto? Paano mo naman nasabi?"

"Hinarang niya rin ako last week at pinagsabihan about kay Navi. Hindi ko naman pinakikialaman ang babaeng iyon." Umiling-iling siya. "Saka halata naman kay Lei. Titig na titig kay Navi e."

May parte sa aking nagrebelde sa sinabi niya. Napanguso ako.

"Sige na. Pasok na ako." Sambit ko at tumalikod na. Iritado kong tinungo ang upuan at binaba ang bag.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now