Kabanata 16

13 1 0
                                    

Kabanata 16

"Punta kayo sa amin, mamaya ah? Hintayin ko kayo." Sambit ni Lei sa mga kaklase namin.

Umismid ako habang inaayos ang mga gamit. Masama ang loob ko ngayon.

"Gray! Jett! Punta kayo ah? Aasahan ko kayong dalawa!" Sigaw ni Lei habang palapit sa amin.

Tumango si Gray at nakipag high five sa kaniya. "Oo ba, Lei. Mamaya pa naman diba? Punta kami roon." Nilingon niya si Calli. "Sama ka, Cal?"

Ngumiti si Lei. "Punta ka rin, Calliah."

"Hindi ko sure e. Try ko ha, Lei?" Nahihiyang ngumiti si Calli na agad namang tinanguan ni Lei.

Tumingin siya sa akin. "Jett! Punta ka."

Tamad akong tumango. "Happy birthday, Lei."

"Yon! Thank you!" Nakipagkamay siya sa akin.

Hindi ko talaga maitatanggi na guwapo itong si Lei at mabait pa kaya medyo tagilid ako pagdating kung sinong mas maayos sa amin.

"Happy birthday, Lei!" Si Calli na hawak na ang bag.

"Thank you, Calliah!"

Ngumiti si Gray at tinapik ang balikat nito. "Ayos ka lang, Lei? Parang napapansin ko kaninang hindi ka mapakali."

Ang dami talagang napapansin ng bakulaw na ito. Daig pa babae e.

Asiwang ngumiti si Lei. "Absent kasi Navi. Kinakabahan ako baka hindi siya pumunta."

Nabadtrip na naman ako. Lumingon si Gray sa akin at pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri.

"Pupunta 'yon, pre! Nangako naman yata?"

"Hindi siya nagrereply e."

Napangisi ako. Hindi nagrereply sa kaniya?

"Kailan mo ba t-in-ext?" Kunyaring walang pakialam na tanong ko.

"Kagabi pa tapos kaninang umaga."

Humalakhak ako. Natigilan siya. Nagtaka naman si Calli sa akin. Itinikom ko ang bibig at umayos ng tayo. Baka isipin na masama akong tao. Hehe.

Nagreply si Navi sa akin kagabi nang magtext ako dahil sinundo ko ulit siya. Gulat na gulat pa nga e parang unang beses ko namang ginawa. Medyo nagalit siya at sinabing last na ang gagawing sundo ko mamaya.

Natahimik talaga ako nang kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa labas. Hindi niya na ako pinansin matapos sabihin na last na raw itong pagsundo ko. Eh susunduin ko pa siya bukas eh?

"Nav." Tawag ko, medyo mahina.

Hindi siya nagsalita. Humigpit ang hawak ko sa steering wheel. Kinakabahan kong pinasada ang daliri sa mga labi.

"Okay, I'm sorry. Gusto ko lang matiyak na ligtas ka." Mahinang sinabi ko.

"Ilang buwan ko na 'tong ginagawa, Jett at ligtas naman akong nakakauwi." Malamig na sinabi niya.

Nangilabot pa ako dahil malamig na nga sa labas pati sa loob ng kotse ay malamig din siya sa akin. Magkakape ako pag uwi ko hays.

"I just wanted to make sure, Nav." I sighed, feeling defeated. "I'm sorry."

"Last na 'tong pagsundo mo."

Namilog ang mga mata ko. "Bakit? Susunduin pa kita bukas diba?" Birthday ni Lei at pupunta kami sa kanila.

"Hindi na ako pupunta kina Lei. Sasabihin ko na lang na masyado ng gabi."

Natuwa naman ako pero hindi pa rin noon nabawasan ang pangamba kong ayaw niyang magpasundo sa akin.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now