Kabanata 21

5 1 0
                                    

Kabanata 21

Napanguso ako at tiningnan pa ang texts niya. Rereplyan ko ba siya?

Hihintayin ko na lang pala makaabot ng sampung minuto, saka ko siya rereplyan. Baka isipin niya naman na sobrang patay na patay ako sa kaniya. Hmp. Hindi ganoon.

Napangisi ako at tumango-tango sa utak ko. Itinago ko ang cellphone sa bulsa at napatingin sa may bahay nila nang walang ingat na nagtatakbo si Buboy palabas.

Siraulo talaga ang batang 'to. May hawak pa naman siyang thermos.

"Dahan-dahan, Buboy!" Sigaw ni Inay na nakasunod pala sa makulit na bata.

Natawa ako nang ipatong ni Noen ang thermos sa lamesa at tumingin sa akin.

"Nagtimpla pala ng panibago si Inay." Ngumiti ito sa akin.

"Pasensya na hijo, nagluto pa ako ng banana cue. Kumakain ka ba nito?" Ipinakita niya sa akin ang saging na nakalagay sa plato na punong-puno ng natunaw na asukal.

Natakam ako dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Tumango ako agad at tinulungan siya sa mga tasa niyang hawak.

"Opo naman. Kumakain pa ako niyan."

"Mabuti naman kung ganoon." Malumanay itong ngumiti sa akin at umupo sa kawayang upuan sa harapan ko.

Kinuha ni Inay ang kulay puting tasa at binuksan ang thermos. Sumalakay agad sa ilong ko ang natural na amoy ng kapeng barako. Naglagay siya sa tatlong tasa. Inabot niya sa akin ang isa at inabutan din ang bata. Nagkakape rin pala si Buboy.

Tahimik kaming kumain, pinanood ko si Noen na nagkukuwento sa kaniyang Inay. Napangiti ako nang pahirin ng matanda ang amus sa may mukha ng bata.

"Apo niyo po ba si Buboy?" Tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Oo, hijo. Ako na lang ang nag-alaaga sa kanila." Ngumiti ito sa akin. "Taga saan ka nga pala hijo? At ano ang ginagawa mo roon sa kagubatan?"

Napakamot ako sa noo at tiningnan si Noen na parang nagtataka rin.

"Taga labasan po ako, sa may poblacion po." Tumango ang matanda sa akin. "Ah may hinahanap lang po akong bahay, natuwa po ako sa mga puno ng niyog kaya kinuhanan ko po ng litrato, sakto naman pong nakita ko itong si Buboy."

Biglang tumawa ang bata. "Oo inay! Mukha pa nga siyang nakakita ng multo eh!"

Napangiwi ako. Paano ba naman ako hindi matatakot, bigla-bigla ba namang sumali sa camera ko. Photo bomber 'yan?

"Buti at hindi ka natakot sa may tulay?"

Napalingon ako kay Inay nang muli niyang dagdagan ang kape ko. Nahihiya naman akong tumanggi kaya tinanggap ko.

"Hindi ka ba natakot na tumawid sa may tulay?"

"Ah hindi naman po, nakapunta na rin po kasi ako roon sa bahay lagpas sa tulay."

"Ahh, iyong mga Gonzalo ba? Kaibigan mo ba ang mga anak noon?"

Tumango ako nang mabanggit niya ang apilyedo nila Calliah.

"Opo, kaibigan ko ang anak nila Inay."

Tumango ito sa akin. "Basta kapag malakas ang ulan, huwag mo nang tangkain na tumawid roon ah?"

"Bakit po?" Humigop ako sa kape at napapikit sa tindi ng pait noon. Masarap ang kapeng barako pero may after taste.

"Maraming sabi-sabi kasi na may mga nahulog doon sa tulay na hanggang ngayon eh nagpaparamdam pa rin. Noon daw ay ginawa iyang tapunan ng mga bangkay."

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now