Kabanata 23

6 1 0
                                    

Kabanata 23

Tatawa-tawang bumungad sa akin si Gray, Biyernes ng umaga.

"Gago amputa!" Sinapak niya ang braso ko nang nginisian ko siya. "Siraulo ka! Mauutas na si Tita katatawag sa akin eh! Ni hindi ka man lang nagpasabi na namanhikan ka mag-isa!"

Lalo akong ngumisi at natatawang sinapak siya na inilagan niya naman.

"Punta ka bukas sa bahay, birthday ni Mama." Sambit ko na lang at pinatong pa muna ang mga braso sa pasimano.

Tuloy ay kitang-kita ko ang mga estudyante na naglalakad sa ibaba. Pinagmasdan ko sila at huminga ng malalim.

"Ayos ka lang, Jett?" Tinapik ni Gray ang braso ko at gumaya na rin sa puwesto ko. "Anong nangyari kahapon?"

I bit my lower lip to hide a smile.

Muli kong naalala ang hindi ko pinag-isipang pagyakap ko sa kaniya.

Umihip ang malamig na hangin kaya mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap kay Navi. Hinintay kong magreklamo siya at sapakin ako pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi naman nangyari.

Ngumuso ako at inabot ang likod ng ulo niya para haplusin iyon.

Bago ang lahat sa akin. Ang lahat-lahat ng ito kahit na maloko ako sa mga babae, kahit na higit sa yakap ang nagagawa namin noon. Pero bakit kay Navi ay bagong-bago palagi ang pakiramdam na ganito?

"Kalmado ka na ba?" Biglang imik niya sa tainga ko. Nanatili ang dalawa niyang kamay sa parehong gilid niya. "Umiiyak ka na naman."

Eh?

Gulat ko siyang inihiwalay sa akin at mabilis na tumalikod. Hinawakan ko agad ang mukha at nakumpirma kong tama si Navi.

Gagi, umiiyak nga ako!

"Jett, anong problema?" Navi asked gently.

Inayos ko ang sarili at pinunasan lahat ng luha sa mukha. Ano bang nangyayari sa akin! Basta-basta na lang umiiyak, ampota!

Lumingon ako kay Navi na ngayon ay mukhang nag-aalala nga talaga sa isang katulad ko. May hatid na naman na ginhawa ang emosyong pinapakita niya sa akin ngayon.

"May problema ka ba sa inyo..kaya biglaan kang umalis sa school kanina?" Maingat niyang tanong na parang ayaw pang sabihin.

Tinitigan ko siya at nangingiting umiling. "Wala, Nav. Naiyak lang yata ako sa sarap ng luto ni Inay."

Ngumiwi siya sa akin at lumapit. "Nabasted ka ba?"

"Luh, hindi ah!" Agaran kong tanggi. "Bakit puro basted ang nasa isip mo?"

Humalakhak ito at inakbayan ako. Tuloy ay kusa akong nagpaliit para maabot niya kasi hindi naman kami magkasingtangkad. Mas maliit siya sa akin at ang lakas ng loob umakbay.

"Wala lang, mukhang emosyonal ka nung nilingon ko e." Nilingon niya ako. "May problema ka ba? Niyakap mo pa ako."

Nag-init ang buong mukha ko kaya akma akong hihiwalay sa kaniya nang higpitan niya ang pagkaka-akbay sa akin.

"Bawal umalis. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo ako niyakap?" Maangas na tanong niya na parang magkumpare kaming dalawa.

"A-Ano.." napalunok ako. Nahihirapan akong maglakad dahil nakaakbay pa rin siya sa akin. "Ikaw ang kaharap ko eh..kaya, i-ikaw ang nayakap ko."

"Sus!" Humalakhak ito at ginulo ang buhok ko. "Kahit kailan ka talaga."

Napangiti na lang din ako at hinayaan siyang akbayan ako.

Makulit si Navi. Sobrang kulit dahil kahit nakarating na kami sa may kanto at hinihintay ko na lang si Papa ay hindi pa rin siya umuwi. Nakakapagtaka nga dahil kahit ang layo nang nilakad namin, makarating lamang sa may kanto ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Ngayon alam ko na kung bakit mas gusto nga talaga nilang dumaan na lamang sa may tulay, mas malapit kasi talaga iyon kaysa rito sa pangalawang daan.

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon