Kabanata 20

1 1 0
                                    

Kabanata 20

Pabalik-balik ako sa may tulay, hindi ko alam kung susuuingin ko ba ang daan papunta kina Calli o umuwi na lang at baka mapatay ako ni Mama.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang cellphone na nakailang missed calls na ni Gray.

Hahays, buti pa 'tong bakulaw na 'to nag-aalala sa akin.

Tiningnan ko ang oras at alas dos pa lang naman ng hapon, hindi ako hahanapin ni Mama dahil ang buong akala noon ay may pasok kami.

Maliban na lang kung sasabihin sa kaniya ni Gray o ni Jess panget.

I sighed. Tiningnan ko ulit ang tulay. Ang layo ko na sa gitna eh, babalik pa ba ako?

Wala ng atrasan 'to, Jett! Let's go! Hanapin na natin si Iamlost!

Dahil sa matalino kong utak, nakumbinsi ang katawan ko na magpatuloy sa paglalakad. Diretso ang lakad ko, dahan-dahan pa at baka biglang bumigay ang tulay. Baka magkatotoo ang sinasabi ni Gray na bukas o makalawa pa mahanap ang bangkay ko kapag nagpatak ako rito.

Nang nakalagpas sa tulay ay halos mapahalik ako sa lupa. Grabe ang kaba ko roon ah! Hindi pa naman madilim pero kakaiba talaga pag puno ang isip ng kung anu-anong mga imahe.

Sinuong ko ang puno ng mga niyog, napapatigil pa ako sa tuwing lumalakas ang hangin dahil pakiramdam ko ay madadala ako niyon.

Teka, ang weird naman sa lugar na 'to. Bakit mas kakaiba ang pakiramdam kapag ganitong oras kaysa noong tinakbo ko ito kagabi?

Tumigil ako nang mapatingin sa itaas. Tila nakakakita ako ng anghel nang mapansin kung gaano katayog ang mga puno ng niyog at tanging kakaunting sinag lamang ng araw ang nakakapasok sa kinatatayuan ko.

Kinuha ko ang cellphone at pinindot ang camera noon. Inanggulo ko ang phone at itinutok sa taas. Sunod-sunod ang click ko hanggang sa magsawa. Naghanap pa ako ng mga spot na puwedeng kuhanan hanggang sa halos mahimatay ako nang may nakitang bata sa camera!

P-Pakshet! Ano 'yon?!

Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi na muling lumingon kung saan nahagip ang bata. Napapalunok ko pang tiningnan ang phone at hinanap ang picture na 'yon at halos manginig ako nang makitang may bata nga talaga!

Okay, kalma. Calm down, Jett! B-Baka dahon lang 'yon at hugis bata!

Pero sinong niloko ko? Bata talaga 'yon dahil nakasuot pa ito ng damit na kulay blue.

Muli kong tiningnan ang picture at dali-daling pinindot ang button ng phone para mamatay.

Bata talaga. M-May multo ba rito? Tangina.

Dahan-dahan ang ginawang paglalakad ko palayo. I distracted myself by thinking beautiful scenarios! Inisip ko ang paghatid ko kay Navi pauwi kaya naman nakayanan kong maglakad nang hindi kinakabahan.

"Kuya?"

"Tangina!" Napahawak ako sa dibdib nang may kumapit sa may binti ko!

Agaran ang pagwasiwas ko sa mga binti para matanggal ang pagkakahawak niya hanggang sa mapaluhod ako nang higpitan noon ang kapit sa mga binti ko!

S-Sobrang lamig ng kamay!

"Kuya? Ayos ka lang?"

Namimilog ang mga matang nilingon ko ang nagsalita.

Siya 'yong batang nahagip sa camera ng phone ko. Nakasuot ito ng kulay blue na damit at black na shorts. Tinitigan ko siya at inosente naman itong sinuri ang mukha ko.

"Kuya? Nasaktan ka ba?" Hinawakan nito ang binti ko.

"A-Ah, hindi naman." Kahit na dama ko talaga ang sakit sa may tuhod dahil sa kahoy tumama. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?!"

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon