Kabanata 5

15 1 0
                                    

Kabanata 5 🔞‼️

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya hanggang sa dahan-dahang humina ang kaniyang tawa.

Napatingin siya sa akin at biglang nangunot ang noo. Nanghinayang ako nang itikom niya ang bibig at tumikhim.

N-Nanghinayang? Really, Jett?!

Ipinilig ko ang ulo at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan, hindi mo ako mahahalikan." Seryosong aniya kaya naman mabilis kong ibinalik ang mga mata.

Nakangisi siya sa akin habang inaayos ang bag. Bakit? Saan naman siya pupunta? Patapos na yata ang lunch time namin ah?

Napakurap-kurap ako nang muli kong balikan ang sinabi niya.

"Ha!" Suminghal ako at nameywang. "Ang assuming mo naman, Navi."

Gulat siyang lumingon sa akin. "Alam mo pala ang pangalan ko?"

"N-Narinig ko lang, bakit?"

"Wala naman." Umiling-iling pa siya sa akin at isinukbit na ang bag.

Naalarma ako nang tumalikod na siya ni wala man lang balak magpaalam sa akin.

"Saan ka pupunta?" Naitanong ko na bago ko pa pigilan ang sarili.

Matunog ang ginawang pagtigil ng sapatos niya sa sahig ng aming classroom. Dahan-dahan niya pang nilingon ang ulo sa akin ngunit nanatili na nasa harap ang katawan. Basta 'yong ulo lang 'yong nakalingon, akala mo naman ang angas niya sa itsura na iyan e mukha naman siyang tiktik.

"Bakit? Sasama ka?"

Ngumuso ako. "Hindi ah. Bakit ako sasama sa 'yo?"

"Kayanga tinatanong kita." Sinipat niya pa ako ng tingin kaya nangilabot ako. "Sundan mo na lang si Calliah tapos tuloy niyo na." Ngumisi siya at muling tumalikod. Mabilis siyang nawala sa loob ng classroom at hindi ko na alam kung saan man siya pumunta.

Bakit kasi hindi na lang niya sinabi?!

Natigilan ako sa naisip. Teka nga. Bakit naman gugustuhin ko pang malaman?

Inis kong sinapo ang noo at bumalik sa upuan. Padabog kong kinuha ang bag at lumabas na rin ng classroom, ako na lang kasi ang nag-iisa roon.

Iniisip ko pa rin ang kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Navi, grabe hindi man lang ako nakapagsalita, ni hindi ako nakaganti ah!

Mamaya talaga, aabangan kita sa gate at susundan. Ha, lagot ka sa akin.

"Huwag ka na umiyak, Calli. Hayaan mo susuntukin natin 'yang si Jett."

Napatigil ako sa akmang paglagpas sa isang classroom nang marinig iyon. Boses iyon ni Gray, alam ko.

Dahan-dahan ang ginawang paglapit ko at sumilip sa isang maliit na siwang. Bumungad sa akin si Calli na nakaupo sa isang sirang upuan at nasa harap niya naman nakaluhod si Gray na mukhang inaalu ang babae.

Nasapo ko ang noo. Kailan pa naging comforter itong si Gray sa mga babaeng nagugustuhan ko?

"Ano ba ang ginawa sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Tanong pa ng gago. Nakagat ko ang dila sa kaba.

Tumunghay si Calli at umiling. "W-Wala, Gray."

Napayuko naman ako sa inis na nararamdaman sa sarili. Bakit ko ba kasi siya tinulak? Eh kung hindi ko siya tinulak, mas nakakahiya na may nanonood sa amin. Ayoko naman noon.

Baka ichismis pa ng Navi na iyon na nakakaya-kaya ko lang si Calliah. Pero hindi naman siguro ganoon si Navi.

"Nahihiya lang ako." Rinig ko pang sambit ni Calli. "S-Sige na, umalis ka na."

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now