Kabanata 9

8 1 0
                                    

Kabanata 9

Hindi ako makahinga ng ayos. Inis kong ginalaw ang isang bagay na nasa may dibdib ko ngunit hindi man lang 'yon natinag. Bumuntong hininga ako at nagmulat na ng mga mata kahit ayoko pa.

"Gray.." inis na sambit ko nang makitang halos pumaibabaw na siya sa akin. "Gagi, umipod ka."

Umungol lamang ang bakulaw at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin kaya naman buong lakas ko na siyang tinulak. Humalakhak ako nang makitang plakda siya sa sahig.

Agad siyang tumayo at inirapan ako. "Parang timang naman, Jett!"

"Hindi na ako makahinga sa 'yo! Pumapaibabaw ka na sa akin ah! Bakla ka ba?"

"Ulol!" Kinuha niya ang cellphone sa table.

"Anong oras na?"

"Alas otso na pala, hindi halata." Kumamot siya sa ulo.

Humikab ako at tumayo na. Lumapit ako sa makapal na kurtina na nakabalot sa bintana at hinawi iyon. Nangunot ang noo ko nang makitang medyo makulimlim ngayon.

"Kaya pala hindi halatang tanghali na." Sumilip si Gray. "Nako, wag sanang umulan. Mahirap dumaan sa tulay."

"Hindi pa rin ba napapagawa iyon?"

"Siguro pag malapit na ang election, saka iyon mapapagawa."

Tumawa ako at hinayaang nakabukas ang kurtina. Pinulot at hinagis ko ang unan sa kama na nalaglag na pala sa sahig bago dumiretso sa banyo.

"Hoy! Ako muna!"

"Tsk. Mamaya ka na!" Sagot ko habang kumakamot sa tiyan.

Napatigil ako nang makita ang itsura ko sa salamin. Wala sa sarili akong ngumiti at tinaas baba pa ang dalawang kilay.

"Yeah, I woke up like this.." hinawakan ko ang panga at inanggulo iyon. "Hindi na lugi ang mapapangasawa ko kung ganitong tanawin ang makikita niya araw-araw."

Humalakhak ako at dumiretso na sa toilet bowl. Bahagya pa akong tumingala habang nagbabawas ng tubig sa katawan. Nangilabot ako at muling humikab.

Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi. Paulit-ulit na akong nagdasal pero ang tagal bago ako dalawin ng antok. Masakit mang aminin pero pumapasok talaga sa isip ko si Navi at ang huli naming naging pag-uusap. 'Yong nasa cubicle siya at binilhan ko ng sister niya.

Ipinilig ko ang ulo at bumuntong hininga saka naghilamos. Ilang sandali pa akong nag ayos ng sarili bago lumabas. Binato ko ang tuwalya kay Gray nang makitang nakangiti ito habang kaharap ang cellphone.

"Jett!"

"Si Calli 'yan 'no?" Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok. "Anong sabi?"

Nakangiti pa siya bago lumingon sa akin kaya nandiri na naman ako. Ganiyan ba talaga pag may kaharutan?

"Kung puwede raw pumunta na tayo ngayon, wala raw kasi siyang katulong sa pag-aayos sa labas ng bahay nila. Medyo makulimlim pa."

"Ngayon na raw?" Tumango siya. "Tara na sa baba. Kain muna tayo at magpapaalam din ako kay Mama."

Maingay na naman ang hapag nang bumaba kami ni Gray, nagulat pa ako na naroon na si Kuya Ron kaya naman pala naririnig ko na naman ang pabebeng boses ni Ate Jess. Lumingon sila Mama sa amin nang makita kaming palapit.

"Oh, tatawagin ko pa sana kayo." Aniya at inayos na ang mga upuan. "Upo na kayo."

"Bro!" Naglapat muli ang aming kamao, ganoon din ang ginawa niya kay Gray. Hindi na naman kasi bago si Gray dito.

Maghihintay (On-Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum