Kabanata 4

21 2 0
                                    

Kabanata 4

Hindi pa man ako nakakabawi sa sinabi niya ay mabilis na siyang umiwas ng tingin sa akin.

Fuck you pala ha. Halika rito, Navi. Ako pa hahamunin mo.

"Anong may sapak?! Baka ikaw?" Inis na tumawa si Xen. "Sinong tanga ang magpapalipas ng gabi sa may tulay?!"

Natigilan si Navi. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya medyo nabahala ako. Medyo lang naman.

"Ano? Hindi ka makapagsalita?" Tumawa pa siya at nilingon ang mga kaibigan niya.

"Kinukuha ko lang naman ang notebook ko, bakit ang dami mo nang sinabi?" Aniya ngunit malumanay pa rin. Ibang-iba sa namumuti niya ng kamao ngayon.

"Pakialam mo?! Eh ayaw kong ibigay eh!" Akmang bubuksan niya iyon nang malaglag iyon sa sahig.

Gulat na gulat na tumingin si Xen kay Navi na tahimik na pinupulot ang notebook sa may sahig.

"Wow..ang angas." Sambit ni Gray pero hindi ko na siya nilingon.

Nang akmang bubuklatin kasi ni Xen ang notebook niya ay mabilis niyang tinabig ang kamay nito para mabitawan ang notebook at pumatak iyon sa sahig.

Tumayo si Lei at iniatras si Xen na natulala na yata. "Tama na, Xen. Umupo ka na roon." Inis ang boses nito.

Nangunot pa ang noo ko nang lumapit siya kay Navi, magkatabi naman sila sa upuan kaya of course magkalapit talaga sila. Pero bakit kailangan niya pang isugod ang mukha niya rito? Tsk.

"Ayos ka lang?" Mahinang aniya kay Navi na rinig ko naman.

Tumango lang ito at pinagpagan ang notebook niya saka bumuntong hininga. Muli siyang tumingin sa bintana at hinayaan ang sarili na maligaw doon.

Natahimik na rin ako nang biglang pumasok ang guro namin ngayong oras. Paminsan-minsan kong kinukulit si Calli na lagi namang naiinis sa akin. Natutuwa akong ukitin siya kaya medyo naligaw ang isip ko at hindi ko na namalayan na break time na pala.

"Ano, tara na?" Tumayo si Gray at binitbit ang bag.

Agad naman akong tumayo saka nilingon si Calli na nagbubukas na ng pink niyang baunan.

Cute-cute talaga nito.

"Hindi ka ba sasama, Calli?"

Lumingon siya sa akin. "Hindi. Mauna na kayo ni Gray." Aniya at bahagya pang tumalikod.

Dinig ko ang halakhak ni Gray at umupo sa upuan niya paharap kay Calli.

"Bakit? Inaway ka ba nitong si Jett?" Malambing ang boses ng gago na 'to. "Bakit, Calli? Sumbong mo sa akin."

Napamaang ako. Aba ang lokong 'to, uunahan pa yata ako kay Calli.

"H-Huh? Hindi." Kitang-kita ko ang pamumula ni Calli.

Nangunot ang noo ko at may kakaibang nararamdaman. Nagbuga ako ng hangin at tinitigan si Calli.

Mukhang naramdaman niya ang tingin ko kaya dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Umiwas siya ng tingin at biglang namula ang buong mukha.

Napangiti ako. Umayos ang pakiramdam ko bigla.

"Halika na, Calli. Wala kang kasama rito."

"Kasama ko si Navi."

Nang banggitin niya 'yon ay awtomatiko akong napalingon sa upuan niya. Hindi ko inakalang maiistretch ko ng ganoon ang katawan ko para lang malingon siya.

Baduy mo, Jett.

Natagpuan ko siya sa kaniyang silya. Nakasubsob ang mukha sa may lamesa. Nangunot ang noo ko at pinagmasdan kung humihinga pa ba 'to.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now