Kabanata 13

9 1 0
                                    

Kabanata 13

Tahimik na naming binaybay ang daan pauwi sa kanila. Nagyaya na kasi siya kanina at may pasok pa nga raw bukas. Pumayag na naman ako dahil kanina pa siyang humihikab.

Panay ang sulyap ko sa kaniya at napapangiti ako pag nakikita siyang pinipigilan ang antok. Hawak niya ang natirang pagkain namin kanina.

Tumunog ang cellphone ko at may reply na roon si Gray. Hindi ko muna iyon binuksan at pinatay muna ang data. Tiningnan ko ang oras at 9:54PM na pala pero bakit hindi ako inaantok?

Nilagpasan namin iyong kanto kung saan kami binaba ni Papa kanina kaya nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ihahatid kita roon sa daanan malapit kina Calli."

"Huh? Wag na, Jett! Mapapalayo ka pa." Lumingon siya sa may kantong iyon at kunot na kunot ang noong ibinalik ang tingin sa akin.

Natawa ako. "Ayos lang, Navi. Saka hindi ako mapapanatag kapag doon kita inihatid."

"Sigurado ka ba?" Sinilip niya pa ang mukha ko kaya natatawa akong tumango.

"Oo nga.." kinagat ko ang dila.

"Malayo iyon dito. Sige, ituturo ko na lang."

Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagd-drive. Natanong ko na ito kay Gray kanina at sinabi niyang diretsuhin ko lang daw itong daan na ito at pag may nakita akong waiting shed na kulay yellow tapos may daan na malaki, iyon na raw iyon. Papasok iyon at malapit kina Calli.

Nakahanda na si Navi at pasilip-silip na kaya natatawa talaga ako. Hindi ko lang pinapahalata at baka magalit siya. Malayo nga ang daanan na ito bago namin narating. Nakakainis lang na kung saan pa maayos ang daan iyon pa ang malayo. Bakit hindi nila ayusin ang tulay doon?

Naiinis na naman tuloy ako kaya kinalma ko ang sarili at baka mataasan ko ng boses si Navi.

"Malapit na tayo, ipasok mo na lang sa loob." Aniya na titig na titig sa unahan.

"Hmm, sige." Tumango ako kahit alam ko naman.

Ibinaling ko na ang sasakyan papasok sa daan sa tabi ng waiting shed. Hindi na maputik at sementado ang daan na ito.

"Dahan-dahan ka, Jett. Baka may biglang sumulpot na bata."

Nangilabot ako. "B-Bakit? May multo ba rito?"

"Huh?" Salubong ang kilay na lumingon siya sa akin. "Hindi ko alam. Pero hindi naman siguro mawawalan."

"Ibig sabihin, may multo nga rito? May bata?"

Humalakhak siya. "I mean baka may mga batang naglalaro pa at baka mabangga mo."

Tumango-tango naman ako kaya nagfocus ako sa pagmamaneho. May nadaanan pa kaming malalaking bahay na wala ng nakatira.

"Lomian 'yan dati kaso sinara noong may pinatay diyan." Pagsasalita ni Navi habang nakatitig sa malaking bahay na iyon.

Sandali ko lang 'yong sinulyapan at hindi na muling nilingon! Pakiramdam ko may babaeng nakatayo sa gilid at handa akong sakmalin!

Shit, Navi. Bakit ba sinasabi niya pa ito?

"Malapit na ba tayo kina Calli?"

Lumingon siya sa akin. "Malayo pa."

Tumango ako at nagfocus ulit. Muntik na akong panawan ng ulirat nang may puting pusang nakakapit sa may baging.

"Fuck!" Gulat kong inapakan ang preno.

Napakapit si Navi sa upuan at natatawang lumingon sa akin. "Pusa lang 'yon, Jett. Kumalma ka nga!"

Umakma siyang bubuksan ang pinto nang pigilan ko. "Saan ka pupunta?!"

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now