Kabanata 8

10 2 0
                                    

Kabanata 8

Pasipol-sipol akong naghugas noong hapon na iyon. Nagtataka pa si Mama dahil kahit ang mga naitaob niya ng mga plato ay hinugasan ko pa.

"May lagnat ka ba, Jett? Gutom ka ba?" Si Mama habang nagluluto ng panghapunan.

Tumawa ako at mas pinabula pa ang hawak na sponge. "Hindi po, Mama. Ngayon ko lang naunawaan na ang sarap mabuhay, ano?" Kinuha ko ang hawak niyang sandok at sinabunan na agad iyon kahit ginagamit niya pa.

Nangunot ang noo niya. "May kailangan ka ba?"

Tumawa ako at umiling saka sinimulan nang banlawan ang mga nasabunan. Sobrang ganda ng mood ko ngayon, pakanta-kanta pa ako habang itinataob ang mga nahugasan para patuyuin bago ilagay sa cabinet namin sa itaas.

"Ma, anong ulam?" Pumasok ang pangit kong kapatid sa kusina at napatingin sa akin. "Himala at naghugas ka!"

"Himala at ang ganda mo ngayon."

Ngumiwi siya sa akin at inambaan ako ng suntok kaya natatawa akong umilag. May narinig akong ingay sa may sala kaya sinilip ko iyon.

"Ay nga pala! Nariyan si Gray, hinahanap ka." Si Ate kaya mabilis akong nagpunas ng kamay sa towel at tumungo sa sala.

"Ginagawa mo rito?!" Sigaw ko agad at lumapit sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at umirap. "Wala lang. Boring sa bahay. Dito ako tutulog."

"Pinayagan ba kita ha?" Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang juice sa harapan niya. "Sinong naglagay?"

"Si Ate Jess." Kibit-balikat niya at kinuha ang remote sa table saka naghanap ng magandang palabas.

Tumawa ako nang makita ang bag niya. "Handang-handa ka ah? Wala ka man lang pasabi."

Ngumisi ang gago at inabot ang baso saka iyon ininuman.

"Nga pala, may gagawin ka bukas?"

"Wala, bakit?" Lumingon ako sa kaniya.

Ngumisi si Gray kaya nangunot ang noo ko. Lumayo ako at tumayo pa. "Ano na naman?!"

Inubos niya muna ang laman ng baso bago kinuha ang bag saka nanguna paakyat sa kuwarto ko.

"Aba! Hoy!"

"Sumunod ka! Roon tayo sa kuwarto mo!"

Suminghal ako at sumunod din naman. Binuksan niya ang kuwarto ko at agad na humiga sa aking kama. Inilapag niya ang bag sa gilid at tiningnan ako.

"Ano nga iyon?"

"Lumipat na pala sila Calli ng bahay."

"Oh?" Kinuha ko ang upuan at pabaliktad na inupuan iyon. "Saan na raw?"

Ngumiti siya. "Malapit sa amin."

Tumaas ang kilay ko. "Edi happy ka?"

"Ha?"

"Ha?" I mocked at him. "Gagi, wag ka ng tumanggi. Gusto mo si Calli."

Umiwas siya ng tingin at nakita ko pa ang pamumula ng tainga niya. Humalakhak ako.

"Ang baduy mo kiligin!"

"Hindi ah!"

"Gago! Ako pa lokohin mo."

Tumahimik siya bigla at tumingin sa akin. "Hindi ko lang masabi dahil alam kong gusto mo siya."

Ako naman ang natigilan at sumimangot. "Crush ko lang si Calli noon. She's cute and charming."

Maghihintay (On-Going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें