Kabanata 11

9 1 0
                                    

Kabanata 11

"Halika na? Baka magtaka na sila." Bulong niya nang matapos akong maghugas, maayos na rin ang itsura niya.

I bit my lower lip when I noticed how her face glow because of what we did. Maybe, this is what they call, after sex glow. But in our case, I think I would call it, after orgasm glow? Joke.

Really, she was glowing. Her cheeks was blushing. Kitang kita iyon lalo na at maputi siya. Namumungay din ang mga mata niya. Napangisi ako. Kakaiba talaga ang epekto ko.

"Mauna ka na, Charlz. Susunod ako."

"Huh?" Nangunot ang noo niya at tumingin sa paligid. "Ano pang gagawin mo?"

"Baka magtaka sila at magkasama tayo."

Bumuntong hininga siya bago tumango. "Fine. Bilisan mo, okay?"

Tumango ako. Pinanood ko pa siyang medyo asiwang naglakad at nang mawala siya sa paningin ko ay humugot ako ng malalim na hininga. Kinalma ko ang sarili ganoon na rin ang malaking bukol sa may board shorts ko.

Galit na galit ito at gustong kumawala.

"Buddy, stop it. Bawal, okay?" Bulong ko at nag-angat ng tingin para bumalik na sa puwesto nang matigilan ako sa babaeng naglalakad.

Nangunot ang noo ko at tinitigan ko talaga siya at baka namamalikmata lang ako.

Tumibok ang puso ko nang makilala siya. Napatakip ako sa bibig nang makita ang ayos niya. Nakasuot siya ng fitted pants at nakasimpleng tee shirt na kulay white lang pero kakaiba ang dating niya sa akin ngayon. Nakatali ang buhok niya at tahimik siyang naglalakad.

Muntikan na akong matumba nang sinubukan kong ihakbang ang mga paa para makita niya ako. Inayos ko ang tayo at parang lalo yata akong kinabahan nang napatingin siya sa akin.

"Navi?" Tawag ko kahit alam kong siya naman iyon.

Nangunot ang noo niya at biglang tumigil sa paglalakad. "Puwet?"

Nakagat ko ang dila sa iritasyon. Kahit kailan ay ang bantot talaga ng ugali ng babaeng ito.

Tumawa siya nang makita ang naging itsura ko. Naglakad ako palapit sa kaniya. Tumingin pa muna siya sa pinanggalingan ko kaya kakaiba na naman ang pagtibok ng puso ko.

May ginawa akong kabulastugan diyan kanina, Navi. Huwag ka nang tumingin.

"Anong ginagawa mo roon?" Natatawang tanong niya. "May kinikiskis ka?"

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! Wala ah? Ano namang ikikiskis ko?!" Halos sumigaw na ako.

"Chill, kumalma ka. Lagi ka na lang nakasigaw." She chuckled. Humangin ng malakas kaya hinangin ang mahaba niyang side bangs, sinikop niya 'yon habang nangingiti pa.

Kumalabog ang puso ko at iniwas ang mga mata sa kaniya. Panira ang hangin na 'to ah.

"Sinong kasama mo rito? Ang layo ng abot mo ah." Medyo maangas na aniya na parang sa lalaking taga kanto nakikipag-usap.

"Uh, kasama ko si Gray. Pumunta kami rito kina Calli." Natigilan ako. "Halika muna sa kanila! Kumain ka muna."

Nanlaki ang mga mata niya. "Heh! Hindi naman ako imbitado!"

"Oh ano naman? Kaklase ka naman namin!" Inis na ani ko. Tiningnan ko ang katawan niya ang payat niya talaga.

Bahagya siyang lumayo sa akin. "Uh, may pupuntahan pa kasi ako e."

"Huh? Hapon na ah?-" natigilan ako at tiningnan ang daan patungo sa mas magubat. "Bakit ka galing doon?"

Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago sumagot. "Doon ako nakatira."

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now