Kabanata 22

15 1 0
                                    

Kabanata 22

Nang matapos magbihis, lumabas na agad ako sa CR nila. Bumungad sa akin si Inay at si Navi na nagtatawanan habang naggagayat ng mga gulay sa lamesa.

Pinagmasdan ko ang kakaibang pagtawa ni Navi at nakakatawang isipin na parang gumaan ang loob ko. Tila nalimutan iyong pagiging malamig niya sa akin kanina at ang pag-alis niya sa kamay ko.

Sige, Navi. Pinapatawad na kita kahit mas pinili mo si Lei kanina.

Ngumuso ako nang maalala na naman na nag-usap sila roon sa may mga puno.

"Bakit nakanguso ka diyan?"

Nilingon ko ang nagsalita noon at natatawang mukha ni Navi ang bumungad sa akin.

Napalingon din tuloy sa akin si Inay na may hawak ng sandok.

"W-Wala naman." Lumapit ako sa kanila at inabot ko ang tuwalya. "Salamat."

"Hmm, welcome," bulong niya sa akin kaya halos mapaatras ako. "Oh?"

Psh! Nakakainis naman 'to si Navi eh. Bulong bulong pa sa akin, alam naman na kinakabahan ako.

Ngumuso ako. "Anong ginagawa niyo?" Pag-iiba ko na lang sa usapan.

Tinitigan niya pa muna ang kabuoan ko bago tumango. "Bagay pala sa'yo ang pink."

Napalunok ako at parang kiniliti na naman. Tsk, bakla.

"Kay gandang lalaki nitong si Jett, Navalia ano?" Biglang sabat ni Inay na nasa harapan na pala namin.

"Hmm, inay. Mayaman 'yan." Pang-uuto ni Navi. "Mala artista nga 'yan sa school eh." Saka ito tumawa.

"Talaga ba, hijo?" Gulat na lumingon sa akin ang matanda kaya napangiwi ako.

"H-Hindi naman po, inay. Huwag kayong maniwala diyan kay Navi." Nginusuan ko ang babae na natawa sa akin. "Saka hindi ho ako mayaman."

Nagkibit-balikat lang ang babae sa akin at tinapos na ang paggagayat niya. Lumapit ito sa may lababo nila at hinugasan iyon.

"Ano pong lulutuin niyo?" Tanong ko kay Inay na nagsalang na agad ng kaldero.

"Sinigang hijo. Pinabili ko si Buboy kanina ng mga panlahok. Kumakain ka ba noon?" Malumanay niya akong nilingon. "Dito ka na maghapunan ah?"

Natigilan ako at parang may mainit na naman na humaplos sa puso ko. Ganito ba talaga sila kabait?

Pasimple pang lumingon sa akin si Navi na nakasuot pa rin ng uniform, ingunuso nito ang kaniyang Lola na parang sinasabing pagbigyan ko ang matanda.

Kahit hindi naman niya ako senyasan ay talagang hindi ko magagawang tanggihan ang alok ni Inay sa akin.

Marahan akong ngumiti sa matanda at tumango-tango.

"Opo naman, inay! Gusto kong tikman ang luto niyo." Tumawa ito sa akin. "Ano po bang maiitulong ko?"

Hindi ko namalayan ang oras. Nawili ako sa pagtulong kay Inay sa pagluluto. Nakisali pa sa amin si Buboy na parang nagkakalat lang naman sa kusina kaya napagsabihan ni inay pero tumawa lang ang bata at sinabing hindi rin daw ako marunong.

"Magpapalit lang ako sa taas," paalam ni Navi sa amin.

"Ay oo nga pala, hindi ka pa nagbibihis Navalia." Nanliit ang mga mata nito. "Bilisan mo ha? At kakain na tayo pagbaba mo."

Nilingon ko si Navi habang busy ako sa pagpapanatili ng apoy dito sa may tinatawag nilang tungko. Ito yung dalawang malaking bato na nilagyan ng dalawang bakal para doon ilagay ang mga kaldero. Sa baba naman niyon ay ang mga kahoy at doon ka magdidikit para paapuyin iyon.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now