Kabanata 2

28 2 0
                                    

Kabanata 2

Pagod kong binagsak ang bag sa may upuan at agad na humiga sa kama. Ni hindi pa ako nakakapagbihis.

Tumitig ako sa kawalan at parang tangang tumawa. Ano bang pakialam ko kay Calli? Kung ayaw niya akong pansinin, edi wag. Hindi ko naman siya gusto. Maganda siya, oo. Pero mukhang hindi siya 'yong tipong makakaya ko lang sa mga papogi ko.

Hindi ko maintindihan bakit naiinis ako nang hindi niya man lang ako tiningnan nang sunduin siya kanina. Tanging kay Gray lang talaga siya nagpaalam.

Ha! Ano namang pakialam ko?

Umiling-iling ako. Iba si Calli. Hindi ko siya puwedeng itulad lamang sa mga babaeng dumidikit sa akin.

"Jett? Baba na at magmeryenda!"

Tila lumaki ang tainga ko at mabilis na bumangon papunta sa cabinet. Naghanap ako ng pamalit saka basta na lamang naghubad at nagbihis. Hinagis ko ang maruming damit sa basket malapit sa bintana. Hindi ko kasi nilalagay sa banyo ko, hindi rin naman ako roon nagpapalit.

"Wow! Ano 'yan?" Umupo ako at kumuha ng tinidor saka iyon tinusok. "Hm! Ang sarap! Ano 'to, Ma?"

"Hotcake 'yan. Diba, gusto mo niyan?" Inilapag niya ang baso ng gatas sa harap ko. "Tagal naman bumaba ng ate mo."

Akma akong tutusok ulit nang maunahan ako ng isang kamay. Bumuntong hininga ako.

"Akin na-shit! Ang init!" Agad niya iyong nabitawan. Humagalpak ako ng tawa. Inirapan niya ako.

"Magdahan-dahan! Hindi ka naman mauubusan!" Kumuha si Mama ng towel at sinuri ang kamay ni Jess.

Pumasok si Papa sa loob ng kusina saka umupo sa harap ko. Inusod ko ang platong puno ng hotcakes sa kaniya. Kumuha siya ng tinidor at nilagyan ang platito niya.

"Hmm, ang sarap talaga magluto ng mama niyo." Tumingin si Papa kay Mama. Natawa ako nang hampasin siya nito sa braso.

Hinahangaan ko ang pag-iibigan nilang dalawa. Kayanga hindi ko alam kung bakit ganito ako. Maayos naman ang pamilya ko. Mahal naman ako ng mga magulang ko. Hindi rin ako kulang sa aruga.

Trip ko lang talaga ang mangtrip. Ayoko lang talaga magcommit. Hassle. Gusto ko walang nagbabawal sa akin. 'Yong tipong chill lang.

Gusto mo ako? Fine, gusto rin kita. If she wants a kiss? Damn, I would gladly give it to her. Sino ba naman ako para maging maramot, hindi ba?

Kung cool ka sa ganoon, that's good. Let's be friends then.

Ayoko sa mga drama. Naiisip ko pa lang na tinitiis ni Kuya Ron si Ate Jess habang umiiyak ito at nag iinarte talagang hindi ko na kaya. Tuluyan na siguro akong masusuka.

Kaya bago pa sila humantong sa ganoon. Binibigay ko na agad ang gusto nila. Gusto nila ng halik at haplos ko, kaya ayan. Masunurin naman ako.

Nailing ako at natawa sa naisip. Naalala ko bigla si Erika. Masaya sana siyang kasama kaso papunta na siya sa ganoong stage. Katakot. Ekis agad.

Wala akong maintindihan sa pinapanood ko. Kanina pa kami natapos magmeryenda kaya lumabas muna sila Mama at Papa para magpatunaw. Nasa may likod lang siguro sila. Maraming tanim si Mama roon e saka maganda rin, maaliwalas. Nagkabit rin ako ng duyan doon para lalong ayos.

Katabi ko si Ate Jess na panay na naman ang pagkibot ng labi. Hindi ko naman talaga siya pinapansin lalo na pag nakatutok siya sa cellphone niya, meaning kachat niya si Kuya Ron. Kaso napapatingin ako lalo na pag nahagikhik pa siya.

"Doon ka nga sa kuwarto mo!" Suway ko.

Nakangiti pa siyang tumingin sa akin kaya lalo akong nandiri. Napalitan agad 'yon ng inis. "Ano bang pakialam mo?! Kung ikaw ang pumasok sa kuwarto mo."

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now