Kabanata 3

30 2 0
                                    

Kabanata 3

Dali-dali kong itinapon ang tuwalya sa basket malapit sa bintana at agad na pumunta sa closet ko. Kumuha ako roon ng undergarments at mabilis na sinuot.

Handa na sana akong sumigaw kay Mama kung nasaan ang uniform ko pero napalingon ako sa kama at naroon na iyon. Plantsado na.

Dabest talaga si Mama hehe.

Mabilis ko lang 'yong sinuot at tumingin na sa malaki kong salamin. Hindi ko maintindihan sina Mama at Ate bakit lagi nilang sinasabi na daig ko pa ang babae sa pag-aayos. Hindi ba puwedeng gusto ko lang magmukhang presentable?

Ayoko na papasok sa school ng gusot ang uniform ko, lalo na kapag madilaw. Kapag kasi nakakakita ako ng ganoon medyo nandidiri ako.

Hindi naman sa maarte, parang ang dugyot lang kasing tingnan.

Inayos ko na ang buhok ko. Ilang beses ko 'yong sinuklay gamit ang mga daliri at pumorma sa salamin. Tumingala pa ako at bahagyang inawang ang mga labi.

Shit, Jett. Ang guwapo mo.

Humalakhak ako at kinuha na ang pabango saka iyon ini-spray sa katawan. Gaya lang ng dati muntik na naman maubos iyon, tiyak na pagagalitan na naman ako ni Mama.

Bumaba na ako habang bitbit ang bag nang makita kong nagpapaalam na si Ate Jess kay Mama. Nagmadali ako sa pagbaba. Aba ang babaeng ito, iiwan yata ako.

"Ingat kayo ha. Itext mo ako pag nasa school ka na." Si Mama kay Ate Jess.

Ngumiti ito at humalik pa kay Mama. "Una na po kami, Ma." Akma na itong tatalikod nang hawakan ko ang braso.

"Hoy, iiwan niyo ako?"

Umirap siya at pahablot na kinuha ang braso niya. "Psh! Kay Papa ka sasabay!"

"Ha?" Nangunot ang noo ko at tiningnan si Mama. "Bakit, Ma?"

"Nariyan sa labas ang Kuya Ron mo, kausap ang Papa mo." Aniya na natatawa sa akin.

Tumango-tango naman ako at inis na tiningnan si Ate Jess na nangingiti na agad kay Mama. Pacute na naman ang isang 'to.

"Kay Kuya Ron na rin ako sasabay, Ma!" Sambit ko at humalik kay Mama saka lumabas na ng bahay.

"Aba! Hoy, Jett! Ma, si Jett oh!" Dinig ko pang palatak niya kaya lalo akong humalakhak.

Naabutan ko silang dalawa sa labas. Nakasandal si Papa sa kotse niya samantalang nasa harap niya si Kuya Ron na hindi ko rin naman mapagkakailan na may hitsura. Syempre hindi ako papayag dito na maging girlfriend niya si Ate Jess kung hindi.

"Bro." Tawag ko kaya mabilis siyang lumingon sa akin.

Kumurba ang ngiti sa kaniya at agad itinaas ang kamao. Tinaas ko ang akin at sabay namin iyong pinagdikit.

"Good morning, kabababa mo lang?"

Tumango naman ako at lumapit kay Papa at niyakap siya. "Good morning, Pa."

"Hmm, morning Jett." Aniya na tinapik pa ako sa balikat. "Nasaan na ang Ate mo?"

"Nasa loob pa yata." Natatawang ani ko. Speaking of that witch.

"Papa!" Aniya agad nang makatapak sa labas. "Si Jett oh, gustong sumabay sa amin. Diba ihahatid mo siya?" Kunot na kunot ang noo ng kapatid ko.

Hindi pa siya nakasuot ng all-white para sa mga nursing student gaya ng uniform nila Kuya Ron dahil first year pa lang naman siya.

"Bakit? Magsasayang lang ng gas si Papa e parehas lang naman tayo ng pupuntahan." Ngumuso ako at tumingin kay Kuya Ron na natatawa na sa amin. "Bro.."

Maghihintay (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin