Kabanata 1

102 2 0
                                    

Kabanata 1

Humarap ako sa salamin at pinasadahan ang basang buhok. Inayos ko iyon sa madalas kong ayos sa school. Kinuha ko ang paborito kong pamango at ini-spray 'yon sa leeg, sa suot na polo, sa magkabilang palapulsuhan at nginitian ang sarili sa salamin.

Nagpamango na rin ako sa katawan bago ko pa isuot ang sando at uniform. Kaya mabilis na maubos ang pamango ko e.

Ibinalik ko 'yon sa table saka kinuha ang bag na iilan lamang ang notebook na nakalagay. Iniiwan ko na kasi school ang iba. Inuuwi ko lang 'yong kung saan may assignment. Aanhin ang locker kung hindi gagamitin diba?

"Jett! Tapos ka na?" Sigaw ni mama sa baba. Napangiti ako at isang beses pang sinulyapan ang sarili sa salamin.

"Aah, Jett. Sobrang guwapo mo." Puri ko sa sarili at kininditan pa ang repleksyon saka ako patakbong lumabas ng kuwarto.

"Napakatagal mo talagang mag ayos. Daig mo pa babae e." Umirap si Ate Jess nang makababa ako at lumapit sa harapan niya. "Sa susunod, hindi na kita hihintayin. Mauuna na ako sa inyo ni Papa."

Ngumuso ako at sinukbit ang bag. "Napakataray mo na naman. Nag away na naman ba kayo ni Kuya Ron?" Tukoy ko sa nobyo niya.

Namula si Ate Jess. Nandiri agad ako. Kapag binabanggit ko talaga si Kuya Ron ay para siyang hayop na umaamo.

"Hindi pa kayo umaalis?"

Lumingon ako kay Mama at agad siyang hinalikan sa pisngi. "Nagtataray si Ate, Ma oh."

Umirap ang kapatid ko at lumapit din kay Mama saka humalik. "Una na po kami, Ma."

"Mabuti pa nga at baka mahuli na kayo. Kanina pa rin naghihintay ang Papa niyo sa labas." Nilingon ako ni Mama. "Ikaw naman, ang laki laki mo na. Sobrang bagal mo pa rin kumilos."

"Ma, mabilis lang talagang lumigo 'yang si Ate. Paano hindi naghihilod!"

"Aba! Ang kapal mo naman!" Nahatak agad niya ang buhok kong ilang beses kong inayos.

"What the?! Jess!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Anong Jess ah?!" Hinatak niya ulit iyon kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Mama.

"Ano ba kayong mga bata kayo! Magtigil nga kayong dalawa!"

Umirap si Ate sa akin. "Una na ako, Ma. Late na naman ako nito." Saka siya tumalikod.

Natawa ako, hinampas agad ako ni Mama. "Tigilan mo ang pang-uukit sa Ate mo, John Ethan!"

Ngumuso ako. Galit na 'yan lalo na at binanggit niya na ang buo kong pangalan.

"Halika na. At kanina pa ang Papa mo roon." Hinila niya na ako palabas.

Patawa-tawa naman akong nagpahila sa kaniya at naabutan si Papa na natatawa na agad pagkakita sa amin. Umirap naman si Ate kaya inirapan ko rin.

"Hintayin mo ang kapatid mo, Jessica. Para sabay ko na kayong susunduin." Habilin ni Papa nang makababa kami sa kotse.

"Pa. Puwede namang magcommute na lang ako."

Nanlaki ang mga mata ko. "Aba. Hoy, Jess-"

"Jett." Saway ni Papa kaya natahimik ako. Inirapan uli ako ni Jess.

"Pa, college na ako pero hatid sundo pa rin ako. Puwede naman kasing si Ron ang maghatid sa akin." Namula ito at kitang kita ko pa ang bahagyang pagtaas ng isang paa niya.

Umirap ako sa hangin at umiwas ng tingin sa kanila. Kadiri talaga ang hitsura nito kapag nababanggit ang nobyo niya.

"Sige na. Basta magtext ka sa amin ng mama mo. It-text ko rin si Ron na ihatid ka ng ligtas." Sumuko ang butihin naming ama.

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon