Kabanata 31

175 18 6
                                    


Did you know?
- That LIBERTY is not just a simple external freedom, or in possession of the formal power of choice, but in deliverance from the darkening of the mind, the tyranny of sinful lusts and the enthrallment of the will, induced by a morally corrupt state.

ROMANS 3:10
As it is written, There is none righteous, no, not one:

ROMANS 3:23-24
For all have sinned, and come short of the glory of God;

Being justified freely by his grace through the redemption that is in Christ Jesus:

ROMANS 5:8
But God commendeth his love toward us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us.


KABANATA 31





Halos hindi ko maibuka ang mga labi sa mga sumunod na ginawa. Wala akong naiusal matapos ihatid si Hadasah sa library at ibinilin kay Ma'am Joy. Kahit sa pagbalik ko kung saan magsisimula na ang event ay hindi ako nakaimik at natulala lamang.

"Kamusta na si Hadasah?" tanong iyon ni Ruzzel na nagpabalik sa akin sa realidad.

Umayos ako nang upo at nilingon siya.

"She's okay. Iniwan ko muna kay Ma'am Tupaz sa library kasama ang ibang mga bata." Sagot ko. Kanina ay hinintay ko munang tumahan siya at bumalik ang sigla bago bumalik dito sa convention hall. Good thing Hadasah isn't sensitive kaya mabilis siyang nakabawi.

"Mabuti naman. Hindi 'yun mabuburyo kase halos mga kaedaran niya ang andoon and nandu'n din si Ma'am Tupaz para magbantay."

Tumango ako.

"Kamusta?" nilingon ko naman ngayon si Zai na kakaupo lang sa tabi ko. Hindi ko alam kong nasaan siya nanggaling.

"Hadasah's fine now." Sagot ko pero agad umiling si Zai.

"I know. Sa library rin ako nanggaling. Ang tinutukoy ko ay ikaw. Nagka-usap ba kayo ni Pastor Isaac?"

Doon ko nakagat ang labi. I know where this going.

I sighed a couple times. Hindi ko alam kong magsasalita ba ako dahil bukod sa aming tatlo ay nandito rin si Thessa at Joneva na naghihintay nang sagot ko. Ang mga lalake ay umalis kanina para kausapin ang kaibigan nila sa malayong parte.

I closed my eyes and then opened it after.

"I just thank him for saving Hadasah. That's it." I almost whispered. Ngumisi ang dalawa sa tabi ko.

"Thank you lang? Hindi kayo nag hi-hello sa isa't isa?" mapanuyang tanong ni Ruzzel kaya nang-init ang batok na umakyat sa pesnge ko.

Alam naman sana niyang iniiwasan ko si Isaac pero bakit iniipit ako nito. Ngayon hindi na ako makatingin sa kanila nang diretso. Gosh. This topic is killing me.

Joneva chuckled.

"Bakit sila mag-uusap e 'di naman sila magkaibigan. 'Di ba, Sister Ez?" ani niya.

Sa mga oras na 'to, para akong ninakawan nang karapatang huminga nang libre. I find it hard to gasp some air because their eyes were watching me.

Natawa si Ruzzel at Zai sa inusal ni Jone. While I silently thanked Thessa for just listening and not trying to interfere.

"'Tsaka ang suplado tingnan ni Pastor Isaac kanina. Ang dilim nang tingin." Commento pa ni Zai kaya natutop ang labi ko. Mas magugulat ako kung hindi rin madilim manitig ang asawa niya.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now