Kabanata 26

163 19 5
                                    


Did you know?
- That Immanuel is a Hebrew word signifying "God is with us." It is Jesus' name in Old testament.


PSALMS  1:1-6
Blessed is the man that walketh not in the counsel of the ungodly, nor standeth in the way of sinners, nor sitteth in the seat of the scornful.

But his delight is in the law of the LORD; and in his law doth he meditate day and night.

And he shall be like a tree planted by the rivers of water, that bringeth forth his fruit in his season; his leaf also shall not wither; and whatsoever he doeth shall prosper.

The ungodly are not so: but are like the chaff which the wind driveth away.

Therefore the ungodly shall not stand in the judgment, nor sinners in the congregation of the righteous.

For the LORD knoweth the way of the righteous: but the way of the ungodly shall perish.




K A B A N A T A   26







Sising-sisi ako. Sising-sisi sa lahat nang bagay. Sising-sisi ako sa lahat nang mga ginawa ko nang araw na 'yun. Sising-sisi ako kung bakit hindi  ko siya tinawagan at tinanong manlang nang tumawag siya. Sising-sisi ako na hanggang salita lang ang naiusal ko, wala akong pinakita.

Sising-sisi ako sa sarili dahil kasiyahan lang ang inalala ko. Hindi ko manlang naramdaman na may problema na pala siya. Na alam na pala niya na niloloko lang siya ni Papa. Hindi ko manlang naramdamang nasasaktan na pala siya.

Sising-sisi ako kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya nang una pa lang. Sising-sisi ako na pumayag akong ibaba ang tawag niya nang araw na 'yun kahit naramdaman ko nang may kakaiba sa kaniya.

Sising-sisi ako. Kulang na lang saksakin ko ang sarili ko nang kusilyo sa sakit. Sobrang sakit. Pinagsisihan kong hinayaan lang ang mga bagay na dumulas sa mga kamay ko.

Walang makakapantay sa sakit na malamang ang tinuring mong kaibigan ay ang anak nang kabit ng ama mo, sakit ng pinaasa ka ng taong inakala mong masasandalan mo at ang sakit nang mawalan nang pinakamamahal na ina. It happened in just a day. I don't know how I was still able to breathe.

Natanga ako, walang maramdaman at kahit luha ko'y sumuko na.

Ang mga paa ay napako sa sahig habang tanaw ang katawan niyang natatabunan nang puting kutson.

A gazzellon knife infiltrated the every flesh of my body. Hindi ko maituloy ang paghakbang dahil pakiramdam ko, mawawalan ako nang hininga sa oras na ihakbang ko ang mga paa.

Wala akong naiusal. Tulala at hindi makapagsalita. Nanghihinga kong nilingon si Mark sa likuran na pinagmamasdan ako sa namumulang mga mata. Katulad ko'y labis din ang paghihinagpis niya.

"S-sabihin mo, nasa panaginip tayo... 'di ba?" kapos hininga kong usal sa nanginginig na mga labi. Ang kamay ko'y mahigpit na kumakapit sa damit, nagbabakasakaling makahanap nang lakas.

Ngunit lungkot sa mga mata ang isinagot niya sa akin. Nagsimulang mangatal ang katawan ko. Pero sa gayon, pinilit ko ang mga paang tahakin ang natitirang metro mula sa nakaratay at malamig nang katawan ni Mama.

A knife insinuated my throat. Sobrang sakit nang lalamunan ko. Nang ulo, nang katawan, at nang puso. Nagdurusa ang katawan ko sa mga biglaang nangyari.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now