Kabanata 25

174 19 12
                                    

Did you know?
- That death has two types in the Bible. (1) First death is the loss of spiritual life as in Romans 8:6; (2) and the final state of the unregenerate is called the "second death" in Revelation 20:14 .

JOHN 8:21
Then said Jesus again unto them, I go my way, and ye shall seek me, and shall die in your sins: whither I go, ye cannot come.

ROMANS 6:7,10, 23
For he that is dead is freed from sin.

For in that he died, he died unto sin once: but in that he liveth, he liveth unto God.

For the wages of sin is death; but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord.

ROMAS 5:7
For scarcely for a righteous man will one die: yet peradventure for a good man some would even dare to die.







K A B A N A T A  25






"Si Sapphira?" a girl came to our dorm and asked for Sapphira the next day. Pinapasok siya ni Nahien habang naka-upo naman ako sa sofa, hawak ang paboritong biblia at nagbabasa nang dumating siya. Nakapaligo na ako at suot ang paboritong barrette. Hinaplos ko ito.

"Nasa kwarto niya. Teka lang, tatawagin ko." Ani Ruzzel at tinahak ang pintuan ng kwarto ni Sapphira at kumatok. Si Nahien ay iginiya ang babaeng maupo sa harap na sofa at siya nama'y naupo sa tabi ko.

"Who's that girl?" I asked lowly and simply para hindi niya marinig.

"Si Hannessa, kababata at kaibigan ni Sapphira." Bulong niya pabalik kaya umangat ang kilay ko.

So may kaibigan pala si Sapphira maliban sa amin? Bakit di rin siya nag-bible woman?

"Galing Mindanao. Bumisita sa Tapaz pero babalik din daw agad kaya dinalaw niya si Sapp bago umalis." Dugtong ni Nahien na sumagot sa katanungan ko.

Sinuri ko ang babae. May pagka-chubby siya pero may itsura rin naman. She's fair and nice dahil nang makita niyang pinagtitinginan namin siya ni Nahien ay ngumiti. Hindi siya nailang. Dumapo ang mata niya sa barrette ko at nagtagal doon ang tingin.

"Kayo ba ang mga ka-dorm mates ni Sapp?" pagkatapos malambot na tanong nito.

Nahien smiled. I remained silent. Tss, we're her friends. Hindi lang ka-dorm mates.

"Oo, kami nga." Sagot ng katabi ko. Kapag ganito, hindi ko ugaling nagsasalita lalo na kung hindi ko pa masyadong kilala. 'Tsaka parang nagseselos ako na mas nauna siyang naging kaibigan ni Sapp.

I know mali at wala sa lugar pero anong magagawa ko e ito nararamdaman ko.

"Tahimik din ba siya palagi? Kase parati siyang ganu'n e." Kwento niya. Sa aming dalawa ni Nahien, siya lang ang kuma-usap sa babae at nakinig lang ako. And Sapphira's friends seemed to be talkative too.

"Palabas na raw siya. Naligo kase." Dumating si Ruzzel at naupo rin sa tabi ni Nahien.

Ang babae ay tipid na ngumiti at naghintay. Hindi nga nagtagal, lumabas na sa kwarto niya si Sapphira, bagong ligo at hindi pa nasusuklay ang buhok.

"Hann!" agad gumuhit ang kasiyahan sa mukha niya at masayang niyakap ang kaibigan.

"Kamusta kana?" tanong niya rito at iginiyang maupo muli. Si Sapphira ay umupo sa tabi niya at hindi mapapantayan ang mga galak sa mga mata nila.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now