Kabanata 9

208 19 5
                                    


Did you know?
-That the number of Books in the Bible are 66. Chapters: 1,189, Verses: 31,101, Words: 783,13, Letters: 3,116,480

PROVERBS 22:6
Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it.

PSALMS 44:6
For I will not trust in my bow, neither shall my sword save me.


K A B A N A T A 9







Halos magkumahog ako sa paghahanap ng rota kung saan ako dumaan kanina. Nang lingunin ko ang paligid ay nasa loob na pala ako ng isang circular arena na sementado. Ang tangkad ng semento ay kasing tangkad ko lang kaya nakikita ko ang matataas na puno na nagpapalibot kung saan ako.

Nabuhay muli ang emosyon sa loob ko. Takot at pangamba. Isang tanong ang namutawi sa utak ko.

Saan ako dumaan kanina?

Nasa harapan ko ang pitong magkakaibang daanan na hula ko'y dadalhin ako sa iba't-ibang direksiyon. Pambihira! Saan ako dumaan? Saan ka dumaan Ezora!

Pabalik-balik ang tingin ko sa unahan at huli. Para akong nasa loob ng maze sa isang park. Ang pawis ay unti-unting tumutubo sa noo at leeg ko dahil sa tumubong kaba.

Gusto kong magmura ng walang tigil pero pilit kong pinaapaalala sa sarili na ang pagmumura ay hindi maganda. Kaya wala akong alam na makakapag-gaan ng loob ko.

I tried remembering where I came from the seven paths pero walang pumasok sa isip ko. Pambihira! Hindi ko alam kong saan ako dadaanan. And Isaac did not noticed that I left the mall kaya paano ako nu'n mahahanap? Kung mawala man ako ay baka isipin niyang nasa loob lang ako ng mall.

Shit lang talaga. Ang tanga ko kapag masyadong nasasaktan. Masyadong occupied! Masyadong bothered!

"Tulong!" hinawakan ko ang nakita kong barricade sa sementadong dingding at doon sumigaw.

"Help! Tulong!" inilibot kong muli ang paningin. Para akong nasa isang trap place. O sadyang naligaw ako sa isang under construction na park. Masyado kase akong wala sa pag-iisip kanina dahil sa sinabi ng ginang na 'yon. Kasalanan n'ya ito.

"Tulong!" muli kong sigaw na hapos maputol na ang litid ko sa leeg pero walang nakarinig. Walang sumagot sa akin kahit anumang tunog ng ibon sa mha puno.

Bumuntong hininga ako bago nagpasyang pumili ng dadaanan. Mula sa pitong nakahelirang daanan ay pinili ko ang ikatatlong daan mula sa kaliwa. Ito na ang pinakapamilyar sa akin.

Pigil ang hininga kong iginalaw ang paa patungo sa daang napili. Mariin kong ikinuyom ang kamay nang lamunin ako ng dilim.

The ere hallway embraced me kaya nayakap ko ang sarili at pinigilan ang sariling huwag mangatal. Pilit kong pinapatay ang takot na unti-unting nabubuhay sa loob ko.

"Cheer up, Ezra. You're brave. Ghost aren't true..." I murmured to myself while the continuous dark pathway didn't gave light to guide me.

Kahit takot, I continued walking until I heard voices of people talking. Boses nang mga taong nasa palengke ang naririnig ko. Ang iba't-ibang tono ng salita at alingasaw ng lugar ay parang konrktado sa daang dinadaanan ko. Nabuhayan ako ng kaunting lakas ng loob. Pero wala pa rin akong nakikita dahil sa dilim.

Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa matanaw ko na ang dalawang daanan na ang isa ay lumuluwa ng ilaw habang ang una kong madadaanan naman ay madilim.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now