Kabanata 6

224 24 6
                                    


Did you know?
-That Jehoash (Joash), the 9th king of Judah is the youngest king to reign in the bible at the age of seven.

John 8:32
And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.

1 Corinthians 7:23
Ye are bought with a price; be not ye the servants of men.


K A B A N A T A 6


Ang suplado ni Isaac. Iyan lang ang masasabi ko.

Nang sundan ko siya sa cafeteria, naabutan ko na siyang naka upo sa table ng mga kaibigan niya. Sinubukan ko siyang kausapin pero wala siyang pake sa iba. I even find a seat next to where they are para ipagpatuloy sana ang pang-iinis pero nabigo lang ako.

Walang effect talaga eh. Kaya naman nang matapos maubos ang inorder na mumurahing pagkain ay lumabas na ako at umuwi sa dorm. Maagang natapos ang klase namin kaya may apat na oras pa bago ang daily prayer meeting.

Nagdadalawang isip ako kung sasama ba dahil wala naman akong kasama. Ruzzel and Nahien, I don't know about them. May sariling mundo ang dalawang iyon eh. Si Sapphira naman, hindi na ulit kami nagka-usap matapos ang pang-aaway ko sa kaniya.

Siguro nasaktan talaga sa sinabi ko.

"A-attend ba kayo ng prayer meeting mamaya, Ruz?" Sapphira asked while seating on the four seated sofa sa sala. Kaka-baba niya lang ng bible niya para magtanong kina Nahien sa plano nila ngayong hapon.

Naka grey na palda at puting printed t-shirt. Ganiyan ang damitan niya sa dorm pero pansin kong kapag papasok ay mahilig siya sa below the knee dresses. Puro mga mellow colors iyon.

"Oo, boss. Kasama kami ni Nahien. Ewan ko lang kay Maria Ezora." Nakangising sambit ni Ruzzel kaya inirapan ko siya habang naka upo sa pang-apat na dining table namin.

Tahimik kong nilalantakan ang kanin at sardinas na nahaglit sa refrigerator. Who would thought na galanti akong pumunta rito, hindi pa nga inaabot ng dalawang buwan ay pulubi na. I'm not used to eat cannned sardines but do I have a choice? At isa pa, hindi naman akin to. Hinablot ko lang sa refrigerator kanina dahil sa gutom.

Ang magaling ko kaseng ama, hindi na nagpapadala ng allowance o miski pagkain ko manlang. Ewan ko sa kaniya, sa tuwing naiisip ko siya, nasisira lang ang araw ko.

Hindi ko rin makausap si Mark para kausapin si Mama na padalhan ako dahil wala namang simcard ang cellphone na binigay niya sa akin.

"Yang bunganga mo, Ruzzella Panine." Usal ko at sinamaan siya ng tingin. Nang marinig ang sagot ko ay nanlubo ang pesnge niya. See? Hindi lang ako ang may hindi gusto sa pangalang binigay ng magulang.

"Ang babantot ng pangalan natin! Mabuti pa itong si Sapphira, mukhang pinag-isipan talaga ng magulang niya ang pangalan. Maganda eh," naiinggit na aniya at binilatan si Sapphira.

Sapphira chuckled smoothly. "Hindi naman..." nahihiyang sagot niya. Inangat na niya ulit ang bible at pasimple itong sinuri.

"Sapphira Malene Galve. Ang ganda kaya! Parang anghel, pati 'yung mukha. 'Di ba, Ez?" tanong ni Ruzzel at kinindatan ako.

Ang atensiyon ni Sapphira ay nasa akin na rin at hinihintay kagaya ni Ruz ang sagot ko.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now