Kabanata 5

232 21 0
                                    

Did you know?
-Shadrach, Meshach and Abednego. The three wise men of Babylon and the companion of Daniel.

-Hebrews 3:4-
For every house is builded by some man; but he that built all things is God.

Ephesians 4:11-12
And he gave some, Apostles; and some, prophets; and some, evangelists; and some, pastors and teachers;

For the perfecting of the saints, for the work of the ministry, for the edifying of the body of Christ:

K A B A N A T A 5


Binuga ko ang usok ng sigarilyo sa hangin habang nakatingala. Ang usok na nanggaling sa labi ay nagkurting pabilog na unti-unting natunaw habang dinadala ng hangin sa kung saan.

Itinaas ko ulit ang sigarilyong hawak at muling umihip sa maliit na stick at ibinugang muli sa hangin.

Napangisi ako. Wala na talagang sasarap sa pakiramdam ng malamig na usok na humahaplos sa lalamunan ko.

Ilang ulit pa akong humithit sa sigarilyong hawak hanggang sa maubos. Nang makitang ubos na ang sigarilyo ay agad ko itong tinapon sa lupa at inapakan para mawala ang naiwang apoy. The smoky air enveloped the surface.

Pagkatapos ay inayos ko ang medyo gusot at masikip na palda na aabot lamang sa gitna ng biyas ko. I smirked again. Pakiramdma ko nanalo ako sa loto sa saya dahil isang linggo nang walang sumasaway sa mga ginagawa ko. Cutting classes, smoking, wearing offensive clothes and even catching fight with nosy people. Hindi ko alam pero wala namang pumupuna na mga stuff sa ginagawa ko o nagpapatawag sa akin, maliban siyempre sa ibang estudyante na laman ako ng usapan at ni Sapphira na parati akong pinapagalitan sa dorm.

Nagkasagutan kami, siyempre. Sino siya para pakealaman ang buhay ko?

Umihip ang malamig na hangin na nagpasayaw ng nakabunghay kong buhok. Naamoy ko sandali ang alingasaw ng amoy ng sigarilyo sa labi ko kaya kumuha ako ng candy mint na kinuha ko lang sa ref kahit hindi naman akin. Binuksan ko ito at kinain bago nagpasyang bumalik sa classroom. Nababagot na rin ako sa kaka cutting class kaya mabuting pumasok na muna.

While heading to my classroom, masasakit at malalagkit na tingin ang sumusunod sa akin, dahil malamang sa suot na damit.

"Grabe talaga iyang si Ezra 'no? Hindi talaga nahihiyang magsuot ng mga ganiyang damit dito..." dinig kong bulungan ng mga 2nd year na nasa third floor. Mga section Judah.

"Oo. Palagay ko, nagcu-cutting classes din iyan. Mabuti at hindi pa siya sinu-suspend ng head admin." Bulong din ng kasama niya. Pasimple ko silang siniringan ng tingin. Tumango ang kausap ng babae at ngumisi sa kaibigan.

They didn't notice that I'm walking near them and heard them talking kaya nang madaanan ko sila na nakataas ang kilay ay nanlaki ang kanilang mga mata na para bang nahuli sa akto. Fear crept in their eyes but the one who backstab me first tried to look brave in front of me na nagmukhang pusa lang ang kinalabasan.

"Bakit hindi n'yo i-report para totoong masuspend ako?" I said sarcastically and raised my left brow, making me look sadistic by two brows being raised.

Nagmistula silang mga basang kuting sa presensiya ko. I surveyed their body from head to toe. Mas hamak na matanggkad ako sa kanila at kung tutuosin ay isang sampal ko lang ang mga ito, buwal na.

"H-hindi naman sa ganoon... Ezra..." rason ng babae, hindi maperme ang tingin sa akin. Ang isang kaibigan ay iniyuko ang ulo dahil sa hiya.

"Genesis 16:13, Thou God seest me: for she said, Have I also here looked after him that seeth me?" I said, still raising my brows, copying the verse I remembered Sir Calvo lectured yesterday.

Gentle kiss of madness (DBS SERIES 1)Where stories live. Discover now