TWD 9

45 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


Bumalik ulit ang mga halimaw na 'to. Pero, hindi sila sumugod sa bayan namin. Nasa ibang bayan na sila.


Narinig ko ulit sila. This time, may nakita na ako sa panaginip. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng lugar ba 'yon. Pero, familiar iyon sa akin.


Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihan si Ariusa tungkol dito. Tutal, siya lang naman ang puwede kuma-usap sa mga tao na nakita ko; sina Rustan, prinsesa Sagi at Niel.


Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ang mahal na reyna na bumibisita rito sa bayan namin. Pero, baka kilala rin niya iyon.


Mapuntahan nga siya. Kaso, saan ako dadaan ngayon? Kailangan hindi ako makilala ng mga tao sa bayan. Hindi ko pa nasusubukan dumaan dito sa gubat.



* * *

Naku po naman! Dito pala dumaan ang mga halimaw na 'to!


Hindi pa ko nakakapasok sa lugar nila, nakikita ko na nagkakagulo sila rito. Ang daming mga armadong lalaki na pinipilit na patayin ang mga halimaw. Kaso, sila naman ang namamatay.


Tumutulong ba si Ariusa?


Hayun, kita ko na siya. Pa'no ko ba mapupunta 'to? Hindi na ako makadaan dahil kung anu-ano na ang bumabagsak galing sa kanila.


Unting-unti ko na nararamdaman ang lamig. Nilalabas na ba niya ang kapangyarihan niya?


Hmm, puntahan ko na lang kaya. Para na rin tumulong ako sa pagpapatay sa mga 'to. At alamin na rin kung bakit sila nandito.


"Pabayaan mo na ako, Ma."

Kita ko na siya, naglalakad na palabas ng palasyo. Nakikita ba niya ako? Nandito lang naman ako sa gate.

"Ano'ng pababayaan? Hindi ka puwede tumulong sa kanila."

Sino ba 'tong sunod ng sunod sa kanya?

"Tutulong ako."

"Ariusa, makinig ka sa magulang mo!"

Ah, Mama niya pala 'to.

Napatingin na lang siya rito, ngumiti at agad na tumakbo.

"Harangan niyo si Ariusa!" sigaw na lang ng mama niya.


Nawa'y patawarin niya ko dahil nilutang ko ang mga taong gustong humarang sa kanya.


Nang makarating na siya sa kinatatayuan ko ngayon, tinignan niya ang kanyang mama.


"Pagbalik ko, isa na akong Aquarius Protector."

"Hindi ikaw ang magiging Aquarius Protector, Ariusa!"

Siya na ang nagsara ng gate nila at tumingin sa akin.


"Salamat dahil sinundo mo 'ko."

They Were DestinedWhere stories live. Discover now