RBW II:

3.8K 159 24
                                    

                                             THE EVIL HALF                

                                              " CRESCENT "

" Rozen's POV "

Kinaumagahan wala na si Light , ngunit kailangan kong manatili sa Isla dahil alam ko na totoo ang sinabi ni Light na marami ng nagdududa sakin , at bilang isang maiden kailangan kong iangat ang respeto nila sakin.

Nakaupo ako sa trono ko at sa paligid ang mga kababaihang naninilbihan sakin ng dumating si Elder Liyon at Elder Karim na saglit tumungo ng bahagya bilang pag galang.

"Bakit? may nangyari ba? " tanong ko agad.

"Nalaman namin na may pagsugod na naganap sa Hethalia na ginawa ni Crescent " Si Elder Liyon , ang Hethalia ang islang pinakamalapit sa snow island .

"Sa pagtatago mo kay Light , hindi kaya ipinaparamdam na ni Crescent na isusunod na niya ang Isla natin ?  " si Elder Liyon parin.

"Pinagdududahan niyo ba ang kakayahan ko na talunin siya? " mapait na wika ko, bakit ba puro Crescent nalang?

"Sabagay, nandito naman si Light . .ngunit mag-ingat kang mabuti sa pagtitiwala sakanya malay mo mas demonyo pa pala ang inaalagaan mo " si Elder Karim , isang babala iyon na ikinainis ko.

"Ako ang Maiden Ruler ng Snow Island, walang karapatan ang sinuman na kwestiyunin ang mga ginagawa ko lalo pa at hindi ko pinababayaan ang tungkulin ko " matigas na wika ko, kahit kaylan hindi ko ibibigay ang gusto nila na ilayo ako kay Light , dahil kahit na hindi siya magiging akin alam ko naman na nasa paligid ko siya sapat na iyon para maging masaya ako.

Bakit ang Hethalia? bakit hindi siya dumirekta dito? ano ang nasa isip ni Crescent? naguguluhan na ko! nasaan ka na ba Light?!

LYRA'S POV 

Maaliwalas ang hapon na iyon, naisipan kong lumabas ng hardin para tignan si Crescent na nagdidilig madalas naman niyang gawin yon kahit anong oras kaya minsan gusto ko lunurin nalang ang mga alaga niya haha!

"Hindi ba tayo babalik sa kastilyo? sabi ni Ina na gusto niyang bumalik tayo " kinuha ko ang hawak nyang lagadera at inilapag iyon sa baba para tignan niya ko.

"Gusto mo? " -Crescent

"After Exams, balik tayo mas masarap ang hangin dun ! " niyakap ko siya at tiningala.

"I love you honey babe !" bigla ko siyang kiniss sa pisngi hihi , ang landi ko na naman, napatingin ako sa leeg niya kaya napalunok ako.

Naramdaman ko na nag-init ang mga mata ko, nagpupula na naman ito at natatakam ako sa dugo niya higit sa pagkatakam na nararamdaman ko noong mga una.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon