wesky x hospital patients au

1.6K 55 8
                                    

Note: this is an AU (alternate universe); meaning, hindi ito nangyari sa If I Fall o mangyayari sa TMEUAS :)


"Ayoko nga eh! Ayoko niyan ayoko!"

Rachel pushed her mom's hand away from her face while crying out loud. Ang sakit na ng ulo at ng lalamunan niya sa kakaiyak. Ayaw na niya rito sa ospital. Ayaw na niyang makakita ng doktor or nurse. Ayaw na niyang tusukin siya ng malalaking karayom. Gusto na lang niya umuwi sa malaking bahay nila na may malakas na aircon. Miss na niya ang malambot niyang kama. Miss na niya ang mga kalaro niya. Ayaw na niya rito.

Miss na niya ang luto ng lola niya. Walang lasa ang pagkain dito sa ospital tapos puro vegetables pa. Kadiri. Six years old na siya, big girl na siya. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng mama niya na lalakas siya at 'di siya magkakasakit kapag kumain siya ng vegetables.

Kasi kung totoo 'yon, bakit siya nasa ospital ngayon?

"Chel baby please finish your food," her mom said tiredly, hawak ang kutsarang may kanin at broccoli. Yuck. "Dalawang subo lang tapos pwede ka na kumain ng lemon squa—"

Mas lumakas ang iyak ni Rachel doon. Sinungaling talaga ang mama niya. Yan din ang sinabi niya kahapon kaya inubos niya 'yung carrots na super kadiri pero wala namang lemon square cheesecake pagkatapos.

"Ayoko nga sabi!"

Binaon niya ang mukha sa ilalim ng unan at nagpatuloy sa pagngawa. Kung ang daddy lang niya ang nagbabantay sa kanya ngayon malamang hindi siya pipilitin nito na kumain ng vegetables. Kaso nasa malayo ang daddy niya. Uuwi kaya ito pag sinabi niya na ayaw niyang kumain ng broccoli?

"Hey Rachel?" isang bagong boses—mas malumanay sa mama niya—ang biglang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita niya ang mama ng bata sa kabilang kama. Agad siyang tumigil sa pag-iyak nang makita niyang nakangiti ito sa kanya. "Hi pretty girl, stop crying na please?" pag-aalo sa kanya ng babae. Umupo ito sa tabi ng mama niya sa paanan ng kama. "Ayaw mo nitong broccoli?"

Umayos si Rachel ng upo sa kama, yakap-yakap ang bunny stuffed toy niya. "Ayoko po. H-hindi po yan masarap!"

"Masarap yan," sabi ng babae, nakangiti pa rin. "Si Wes nga favorite yan eh. Di ba, nak? Masarap ang broccoli?"

Doon lang napansin ni Rachel ang batang lalaki nagtatago sa tabi ng babaeng nagsasalita. Tumitig muna siya kay Rachel bago siya sumagot ng "Opo" sa mama niya. Sinamaan niya ng tingin ang batang lalaki at bumalik sa pagkakahiga.

"Ayoko po. Cheesecake lang po gusto ko," pagmamaktol niya.

"Rachel look at Wes, o. Kain daw kayo ng broccoli," sabi ng mama niya. Pasimple niyang sinilip ang batang lalaki, at totoo nga, kumakain ito ng broccoli. Mukhang sarap na sarap pa ito. Yuck. "Sige pag tinulungan mo siyang ubusin yang broccoli bibigyan kita ng dalawang cheesecake."

Dalawang cheesecake!? Bigla siyang naupo sa narinig. Totoo kaya 'yon?

Tinignan niya ulit ang batang lala—si Wes—na pinapapak pa ang vegetables sa tray niya. Eew.

"Rachel tikman mo," nahihiyang sabi ni Wes sabay abot sa kanya ng isang pirasong broccoli. Saglit siyang napatitig sa kamay ni Wes na may maliit na band-aid. Buti pa siya 'di na tutusukin ng karayom. "Dali, masarap yan."

Kaunti na lang ang vegetables sa tray niya, at kung hati pa sila ni Wes doon...okay na rin siguro. Paubos na rin naman, eh.

Kinuha niya ang piraso ng broccoli kay Wes at kinagatan ito. Napangiwi siya sa kadiring lasa ng halaman, mapait na ewan. Eew eew eew.

Maiyak-iyak siya habang kinakain ang lahat ng inabot sa kanya ni Wes. Kaunting nguya, lunok. May cheesecake naman siya pagkatapos.

"O 'di ba, masarap ang broccoli?" sabi ng mama ni Wes nang masaid nila ang vegetables sa tray ni Rachel. Lumapit sa kanya ang babae at pinunasan ang mukha niya. "Don't cry na ha? Pagod na rin si mommy mo. Kaya dapat papagaling ka at wag kang pasaway kay mommy mo okay?"

"O-opo," sagot niya. "T-thank you po."

Ngitian siya ulit ng babae bago sila bumalik ni Wes sa kabilang kama. Nang makabalik ang mama niya dala ang dalawang cheesecake, nagpa-alalay si Rachel papunta sa kama ni Wes.

"Eto po," inabot niya kay Wes ang isang cheesecake. Nanlaki ang mga mata ni Wes. "Thank you."

"T-thank you rin!"

***

"You know what? I really hate broccoli," Wes suddenly blurted out as he arranged the pillows behind Rocky's back. Tinulungan din niyang makasandal nang maayos si Rocky bago siya umupo sa kama, facing her. "Kung papapiliin mo ako between okra and broccoli, I'd choose okra in a heartbeat."

Chuckling, Rocky ruffled Wes' hair and reached for the food tray beside her. "Parang 'di ako naniniwala. I clearly remember na pinapak mo 'yung broccoli sa tray ko no'n."

"I was six, Chel. Either kainin ako ng broccoli or wala akong Whammo's for dinner. Di ako papayag na 'di ako makakain ng Whammo's sa isang araw no'n."

"Suuus sabihin mo lang crush mo na ako no'n," she teased, waving the plastic spoon she's holding at him. "Pasikat ka sa 'kin eh. Baka pinilit mo si Mama na kainin 'yon—"

"Uy wag ka nga. Asa kang crush kita no'n, uhugin ka kaya."

"Excuse me!?"

Wes laughed and placed a chaste kiss on her cheek. "Joke lang."

"Sus, scammer ka pala eh."

"Effective naman ah. Kumakain ka na ng broccoli ngayon."

"Ugh. Ewan ko sa 'yo," Rocky huffed in irritation. Tinusok muna niya si Wes gamit ang tinidor bago kumain. "So paano yan, we both hate broccoli. Who's gonna teach her how to eat that now?"

Both of them glanced down to the bassinet on their right, where a cute baby girl was sleeping peacefully.

"Definitely not me," Wes whispered with a smile full of adoration and joy on his lips.


***

Originally posted on Twitter last April 2020 for my AU writing challenge

AnthologyWhere stories live. Discover now