roldreau x high school au / mutual pining

2.4K 61 13
                                    

Note: this is an AU (alternate universe) and won't ever happen in TSIB canon. if reading boy x boy fics makes you uncomfortable, please skip reading this fic. i don't tolerate any negativity here. thanks!


Tahimik silang nag-aaral sa canteen nang biglang napamura si Kevin sa tabi niya. "Huy gago," Kevin suddenly tugs on his ID lace. "Papunta si Andreau rito oh."

Roldan looks up from his Physics notes and squints carefully ahead and he can see Andreau walking towards their table, clutching a paper bag in his hands. The tall smiley guy sits across from them and clears his throat.

"Uh..hello," Andreau says softly.

"H-hello rin," nakangiting sabi ni Kevin na medyo na-starstruck pa ata.

"Bakit?" tanong ni Roldan.

"Uy," siniko tuloy siya ni Kevin. "Wag mong sungitan. Sira ka ba."

"Pinapabigay pala ni Mommy," Andreau says quickly, sliding the paperbag to Roldan's direction, fingers brushing lightly against each other. "Belated happy birthday daw and sorry kung hindi siya nakadaan sa inyo last week."

"Uhhh thanks," bulong niya, medyo confused sa nangyayari. Wala namang nabanggit sa kanya ang mama niya na may planong bumisita ang Tita Trisha niya sa kanila last week. "Ano 'to?"

"Chicken pastel 'yan, luto ni Mommy."

Tinitigan ni Roldan ang container sa loob ng paperbag. Mukhang bagong luto pa ang ulam, may kaunting steam at nagpapawis pa ang takip ng plastic container. Sakto, wala siyang baong ulam today. Bibili na lang siya ng kanin sa paborito niyang stall mamayang lunch break.

"Pakisabi kay Tita thank you ah. Miss ko na kamo luto niya." Andreau perks up, and Roldan suddenly regrets saying the last part. In-ignore na lang niya ang saya sa tingin ni Andreau sa kanya. Wala sa lugar 'yon. Hindi niya deserve tignan nang ganoon.

"Sure, makakarating. Pwede mong i-share kay Kevin yan. That's good for three, I think." Napa-yehey naman ang masibang kaibigan ni Roldan sa tabi. "Masarap magluto mommy ko promise. Tanong mo pa dyan kay Dan."

Dan. Wow, it's been what, three years since the last time na tinawag siya ni Andreau sa nickname na 'yon. Nakakapangilabot. Hindi na siya sanay. Kahit kailan hindi na siya muling masasanay pa.

"May kailangan ka pa ba?" He didn't care kung marinig man ni Andreau ang inis sa tono niya. The sooner he leaves the better. Marami pa siyang kailangang reviewhin para sa Physics quiz nila in 30 minutes.

Andreau opens his mouth to say something but stops himself. Sinilip muna nito ang paper bag at 'di nakaligtas kay Roldan ang lungkot sa mga mata ng lalaki.

"Uhm 'yon lang. Sorry for interrupting. Enjoy eating." He throws them the artista smile Roldan has grown to hate for the past few years before leaving the table.

"Ang sama talaga ng ugali mo, ano?" Sinuntok ni Kevin ang braso niya. "Binigyan ka na nga ng libreng ulam tapos susungitan mo pa."

"Ayokong naiistorbo ang review ko," Roldan simply says, ignoring the bitter lump in his throat. "Kumakain ka ba ng chicken pastel?"

"Oo. Bakit?"

Inusog niya ang paperbag sa harap ni Kevin. "Sa 'yo na lang. Nakabili na ako ng ulam kina Tita Jen eh."

"Sira ka ba!? Gawa ng nanay ni Andreau para sa 'yo yan tapos ipapamigay mo?"

Roldan shrugs and turns back to his notes. Suddenly he can't understand the words he's reading. Bwisit. "Cream-based yan eh, baka matae ako habang quiz."

Napailing na lang si Kevin. "Sige sinabi mo yan ah. Iuuwi ko 'to sa bahay."

"Sige lang."

"Di ba best friend mo yang si Andreau dati? Bago siya sumali sa artista search?" tanong ni Kevin. Nang hindi siya sumagot, may follow-up question pa ito. "Labo mo naman, Dan. Mukhang hindi naman lumaki ulo ni Andreau o. Kinakausap ka pa nga eh. Ikaw naman 'tong...hay ewan," Kevin trails off at bumalik na rin sa pagre-review.

Saglit na tumigil sa pagbabasa si Roldan at tinignan ulit ang paperbag na bigay ni Andreau. Hindi kasi ganoon kadali, gusto niyang isigaw, ipaintindi kay Kevin. Oo, close sila noon. Past tense na, tapos na. Nawala na ang best friend niya noong nanalo ito sa artista search three years ago. Tinigil na rin niya ang pag-iisip ng mga pwedeng mangyari kung...kung...

Roldan brushes those thoughts away. He shouldn't be thinking about that now. Mali 'yon. Masaya na si Andreau sa bagong buhay niya na hindi kasama si Roldan.

(Sayang, kung napansin lang niya ang mga paso at band-aid sa kamay ni Andreau kanina, at kung alam lang niya na pinaghirapan ng (dating) kaibigan ang pagluluto ng chicken pastel, baka magbago pa ang isip niya.)


***

Originally posted on Twitter for my AU writing challenge last April 2020.

AnthologyWhere stories live. Discover now