The Woman in White (Edited Version)

30.1K 483 127
                                    

So.. remember that Bayrus one shot I wrote last year? Yung post # 3 dito sa Anthology? I edited it.. and this happened.

This one's angstier and longer. Again, alternate universe po ito ng If I Fall. Walang Vicky arc, walang Bayruseth at.. ganun pa rin ang ending. This is not a TMEUAS spoiler, okay? ;)

The Woman In White

By shirlengtearjerky (Leng de Chavez)

 

**

The color red will always remind him of her.

**

Isa sa ginagawa niya during his pastime ay ang mag-assign ng kulay para sa mga taong interesting sa taste niya.

Yellow – cheerful

Blue – emo/serious

Brown – down to earth

Green – open minded

Orange – matakaw

Violet – caring

Gray – unknown

Siya ang gumawa ng sarili niyang color wheel of personality, at yan ang mga madalas niyang ginagamit na kulay for classification. Madali lang naman para sa kanya ang mag-assign ng kulay. Usually basis niya ang first impression niya sa tao. Kilala siya sa Charleston Academy kaya hindi naging mahirap sa kanyang lapitan ang interesting people.

Paulit-ulit na ang mga kulay na ginagamit niya sa mga taga-Charleston. Nangunguna ang yellow, sumunod ang brown, violet at green. Once na may naassign na siyang kulay, mas madali na siyang makibagay sa taong ‘yon.

That’s why it took him almost three years to pick a color for Barbs.

**

Ilang beses na niyang nakikita at nakakasama noon sa iisang room si Barbs. Palagi niya itong inoobserbahan pero wala siyang mapiling kulay para dito. Lahat kasi ng usual colors sa kanyang personality wheel ay akma para sa kanya:

Yellow -  wagas kung makatawa sa kung anu-anong bagay kahit hindi naman talaga nakakatawa

Blue – madalas niyang nakikitang nag-eemo ito sa classroom, at once sa rooftop

Brown – Kahit obvious na gutom na gutom siya, binigay ni Barbs ang huling piraso ng torpedo sandwich ni Ate Mayaman sa isang bata

Orange – pero sa normal na araw nangunguna ito sa paghingi ng extra extra rice

Violet – lalo na sa mga kabarkada at sa Charleston Ravenettes

Green – lahat na lang binigyan ng double meaning. At siya lang ang babaeng kilala niya na tumatawa pag naririnig ang number 69

Gray – at kahit anong gawin niyang pagmamasid, he doesn’t get her most of the time

Nahirapan siya sa pagpili. Kulang pag isang kulay lang, parang hindi kumpleto ang personality ni Barbs. OA naman pag nilahat niya. Ngayon lang siya nahirapang pumili ng isang kulay.

Then one day, during their CAT training (3rd year), he finally picked one.

Red.

**

Extroverted, optimistic (minsan lang naman, madalas pessimistic si Barbs), courageous, confident..

Center of attention (kahit pinagpipilitan niyang non-conformist siya)

Ambitious and competitive

AnthologyWhere stories live. Discover now