Morning Race (Bayrus AU ficlet)

18.7K 296 18
                                    

So it was Cyrus Casabueno's birthday yesterday (February 17), and to celebrate that.. here's a short Bayrus ficlet based on this Tumblr post 😀😀

As promised, he wore his trusted running shoes to work the next day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

As promised, he wore his trusted running shoes to work the next day.

That woman had it coming, really. Cyrus clearly thought she's harmless, na talagang by accident lang silang nagkakasabay ng babaeng 'yon na maglakad tuwing umaga. Kaso yung nangyari kahapon ng umaga.. wala na siyang masabi. Halos buong araw nasa isip niya ang babaeng 'yon, with that smug smile and annoying aura. Ngayon lang siya ulit nairita nang gano'n sa isang babae. 

Gumising pa siya ng mas maaga para makasakay agad sa MRT. Nag-exercise pa nang kaunti. Muntikan pa niyang makalimutang baunin ang leather shoes niya. He was so damn serious about beating that girl this time. Akala niya na-let go na niya ang competitive side niya nang tumigil siyang magbasketball noong college.  Sobrang competitive niya kasi noon; dapat siya ang panalo sa lahat at kapag natalo siya, hindi niya agad 'yon matanggap.

Thanks to this girl, bumalik ang ugali niyang gano'n. (And he kinda hated it. Kaya kailangan niyang manalo ngayong umaga.)

Bantay-sarado siya sa presensya ng babaeng 'yon pagkababa pa lang niya ng tren. Hinahanap niya ang black and orange backpack nito sa mga lumalabas ng tren kaso wala siyang makita. He even waited for the next train kaso.. wala pa rin doon ang babae.

Defeated, kinalimutan na lang ni Cyrus ang babaeng 'yon at naglakad na lang papunta sa opisina. He kept glancing at his back, though, baka kasi gulatin siya ng babaeng 'yon. Pero.. wala.

So much for wearing his running sh--

"Wow, talagang naghanda ka pala today ha."

He stopped walking and turned around in an instant. Hindi niya namalayan na nasa kanto na pala siya, the same place kung saan sila nagkikita tuwing umaga. He couldn't believe when he saw her there standing, and handing out a Starbucks paperbag and coffee to him.

"Sa 'yo yan, wag ka na maarte," sabi ng babae sa kanya. Bago pa niya tanggihan ang kape at pagkain, she practically shoved them into his hands. "I feel bad about outrunning you yesterday so ayan, peace offering. Sorry, competitive kasi ako. See you around!" She even winked at him before walking away.

It took him awhile to register what happened.. and smiled.

He'll wear the running shoes again tomorrow. Just in case.

AnthologyWhere stories live. Discover now