leanya x lie detector au

5.4K 241 95
                                    

Wrote two ficlets in response to these curiouscat asks:

Hahahaha may napanoud akong mga mag-ex na nagdrinking/lie detector game huhu naimagine ko ang leanya #skl

Yung last question, "Mahal mo pa ba ako?" tas may isa na sumagot ng "Oo" with eye contact sa ex niya tas naiyacc c aq 😭

Namiss ko magsulat nang mabilisan so eto na ang dalawang ficlet haha! Leanya muna kasi masaket. Next na yung sa AZ 🤣

———

Dahan-dahan naglaho ang tawanan sa loob ng kwarto at naging mabigat muli ang atmosphere ng paligid. Everyone's waiting for Lean's question. It's his turn to ask anything kay Anya kaya kinakabahan at excited ang lahat. Si Anya naman, naiihi na ewan. Bakit nga ba siya pumayag sa bwiset na project ni Andreau? She could be sleeping right now, hindi itong stuck siya sa isang social experiment with her ex boyfriend.

She successfully maintained her composure bago tignan muli ang ex. "Your turn na."

Ngiti lang ang sinagot ni Lean. Nang-iinis. Bumilis ang tibok ng puso ni Anya, parang katulad ng dati. Sa ganyang ngiti siya nadadale noon. Noon.

A few heavy seconds of silence, then, "Ans, mahal mo pa ba ako?"

Isang malakas na gasp, probably from Mars, ang narinig sa tahimik na kwarto. She couldn't take off her eyes from Lean, na nakangiti pa rin pero iba ang sinasabi ng mga mata, tila takot at handang masaktan. Pinag-isipan niya nang mabuti ang isasagot sa tanong ng ex-boyfriend. It's no use to lie at this point, thanks to the fucking lie detector strapped on her wrist.

Four years na silang break, four years na niyang dala-dala ang bigat sa dibdib. Pwede na sigurong magbawas ng dalahin, ano?

"Oo, mahal pa rin kita," simple niyang sagot. Tinapangan na. Bahala na. "Mahal na mahal pa rin. Wala namang nagbago."

Tuluyan nang bumigay ang puso niya. Talo siya sa round na ito.

——

Again, AU lamang ito. Hindi ito connected sa plot ng leanya sa TMEUAS 😂

AnthologyWhere stories live. Discover now