The Woman in White

41.3K 708 443
  • Dedicated to Team Umaasa Kahit Ang Sakit Sakit Na
                                    

Title: The Woman in White

Story: If I Fall / This Might End Up A Story

Pairing: Cyrus Casabueno / Barbara Ramirez

Setting: future (post-TMEUAS)

Prompt: Wedding dress

Disclaimer: (Kailangang medyo mahaba ‘to. Haha!) Hindi ako aware sa kantang Wedding Dress ni Taeyang nung naisip ko ‘tong prompt. Connected ba ang kantang ‘to sa story? We’ll see :>

Again, this is not a companion piece to If I Fall / This Might End Up A Story. Hindi nirereflect ng one shot na ‘to ang magiging kapalaran ng Bayrus sa TMEUAS. Kumalma kayo, okay? HAHAHA.

Para sa Team Umaasa, labyu.

 

**

The color red will always remind him of her.

**

Isa sa ginagawa niya during his pastime ay ang mag-assin ng kulay para sa mga taong interesting sa taste niya.

Yellow – cheerful

Blue – emo/serious

Brown – down to earth

Green – open minded

Orange – matakaw

Violet – caring

Gray – unknown

Siya ang gumawa ng sarili niyang color wheel of personality, at yan ang mga madalas niyang ginagamit na kulay for classification. Madali lang naan para sa kanya ang mag-assign ng kulay. Usually basis niya ang first impression niya sa tao. Kilala siya sa Charleston Academy kaya hindi naging mahirap sa kanyang lapitan ang interesting people.

Paulit-ulit na ang mga kulay na ginagamit niya sa mga taga-Charleston. Nangunguna ang yellow, sumunod ang brown, violet at green. Once na may naassign na siyang kulay, mas madali na siyang makibagay sa taong ‘yon.

That’s why it took him almost three years to pick a color for Barbs.

**

Ilang beses na niyang nakikita at nakakasama noon sa iisang room si Barbs. Palagi niya itong inoobserbahan pero wala siyang mapiling kulay para dito. Lahat kasi ng usual colors sa kanyang personality wheel ay akma para sa kanya:

Yellow -  wagas kung makatawa sa kung anu-anong bagay kahit hindi naman talaga nakakatawa

Blue – madalas niyang nakikitang nag-eemo ito sa classroom, at once sa rooftop

Brown – Kahit obvious na gutom na gutom siya, binigay ni Barbs ang huling piraso ng torpedo sandwich ni Ate Mayaman sa isang bata

Orange – pero sa normal na araw nangunguna ito sa paghingi ng extra extra rice

Violet – lalo na sa mga kabarkada at sa Charleston Ravenettes

Green ­– lahat na lang binigyan ng double meaning. At siya lang ang babaeng kilala niya na tumatawa pag naririnig ang number 69

Gray – at kahit anong gawin niyang pagmamasid, he doesn’t get her most of the time

Nahirapan siya sa pagpili. Kulang pag isang kulay lang, parang hindi kumpleto ang personality ni Barbs. OA naman pag nilahat niya. Ngayon lang siya nahirapang pumili ng isang kulay.

AnthologyWhere stories live. Discover now