Guess Who? (Andreau x Zade)

34K 1.1K 162
                                    

Kidfic prompt from Tumblr: "I knew it was a mistake to get the twins matching clothes." ZADREAU!!!!

HAPPY ANNIVERSARY, TSIB! :) 

Tweaked this a little bit!

**

He didn’t want to admit it, but he’s totally nervous.

Andreau Cortez was never nervous.

Well.. may ilang moments din naman sa buhay niya na ninerbyos siya. His wedding, for instance. Muntik na siyang himatayin sa sobrang nerbyos nang malate ng five minutes si Zade. Akala niya hindi na siya sisiputin ng then-girlfriend niya for nine years. Yun pala natraffic lang ang convoy nina Zade papunta sa simbahan. Thank God nasa tabi niya si Roldan, his best man of course, the whole time kaya hindi siya hinimatay.

But that was three years ago. Tatlong taon na rin silang kasal ni Zade, totally happy and contented. A year ago Zade birthed twins, two healthy baby girls. To be honest, hindi nila ineexpect na kambal ang magiging anak nila. Zade did mention na may kambal siyang tito sa mother’s side pero ang magkaron sila ng kambal? Totally unexpected.

(He actually wanted to have twins. Alam ni Zade yun. He thought na sobrang efficient na dalawang bata sa isang pregnancy para madalian lang si Zade. Of course sobrang layo ng iniisip niya kaysa sa reality ng pagbubuntis ng asawa. Hindi niya alam kung paano siya nakatagal ng 9 months sa piling ni pregnant Mrs. Cortez. But that’s another story.)

Mahal na mahal nila ni Zade ang dalawang prinsesa nilang si Sofia (named after Sofia Coppola, Andreau’s choice) and Jane (named after Jane Austen, Zade’s choice). Tuwang-tuwa sila sa babies nila. Who would’ve thought na aabot silang dalawa sa ganito? Oo nga, they were so good together. Nakakakilig, nakakaaliw.. Pero as parents? They were scared as hell.

Pero sa sitwasyon ngayon, hindi maipaliwanag ni Andreau ang kaba niya.

Since busy siya sa pagdidirect ng bago niyang movie months, laging si Zade ang kasama ng twins sa bahay. He rarely saw his princesses; at sobrang miss na niya ito.

Imagine his surprise (and dread) nang magpaalam sa kanya si Zade two weeks ago. Kakatapos lang ng movie niya at meron siyang two months break. Enter Zade na nagpaalam na magbabakasyon muna siya sa New York para bisitahin ang nanay nito. He couldn’t say no to her. Ang daming sinakripsyo ni Zade para sa twins and she definitely deserved a vacation.

Kaso ang problema.. hindi siya marunong mag-alaga ng bata.

He was shy and scared to admit it to his wife. Oo, may practice siya kay Tristan before pero ibang usapan ‘yon. Toddler na si Tristan nang alagaan niya ito, at hindi baby. Hindi siya takot sa babies, lalo na sa mga anak niya.

Kaso.. paano siya makakatagal ng two weeks na wala si Zade?

Tatlong araw na nasa New York si Zade nang magkaroon ng malaking problema si Andreau.

Hindi niya napansin ang ginawa niya. He did a double take just to be sure. Pinalitan niya ng onesies ang twins bago matulog but he was distracted. Tumawag kasi ang editor ng movie para ireport na may maliit na problema sa editing. Being the perfectionist, agad niyang inisip ang pwedeng remedyo sa problema. Basta kuha na lang siya ng onesie sa drawers ng twins, ni hindi man lang tinignan kung ano ang kinuha niya.

That was his biggest problem.

Kasi ngayon, he was staring at his identical twins. Identical, pati ang onesie na suot.

Masyadong identical sina Sofia at Jane. Hindi pa masyadong madistinguish ang pagkakaiba nilang dalawa dahil one year olds pa lang ang mga ito. Si Zade nga lang ang nagsasabi sa kanya kung si Sofia o Jane ang hawak niya. Pero ngayon, wala si Zade sa tabi niya para sabihin kung sino sina Sofia o Jane.

AnthologyWhere stories live. Discover now