zadreau x lie detector au

9.9K 344 107
                                    

Eto naman ang zadreau version ng previous prompt. Again, alternate universe lamang ito hahahaha

Prompt: ang bigat nung leanya au ficlet ate, wala po bang lie detector au ang zadreau????

---

"So, what's the truth?" Zade finally spoke up after finishing her third tequila shot. "Sabi mo dati worth the trouble ako, na worth everything ako. Paano nawala yun bigla? Imposible naman ata yon. Bigat nung sinabi mo tapos....fuck."

Umiwas ng tingin si Andreau for a moment. Masyado bang matapang ang tanong niya at hindi kaya ni Andreau? Ang simple nga lang non eh. If this experiment happened right after their break up seven years ago, aba malamang sigawan na ang naganap at sinira na niya ang lie detector machine sa harap niya. This present Zade though, the moved on one, just wanted to know the truth.

Gusto niya malaman kung saang point siya hindi naging worth it kay Andreau, well, for science.

"Zade-"

"Curious lang ako. It's not like I'm still hurt over this or whatever." Sinungaling. Kanina ka pa nasasaktan, self.

"H-hindi ko alam, Zades. Believe me when I say this pero...fuck. Dumating ako sa point na gumigising ako sa umaga tapos nare-realize ko na nawawala na ang pagmamahal ko sa 'yo. Mabagal siya, sinubukan kong pigilan pero-"

Tangina, sana hindi na lang siya nagtanong pa.

AnthologyWhere stories live. Discover now