Lights. Camera. Action. (Part II)

33.9K 858 164
                                    

Medyo nag-enjoy ako sa pagsusulat ng second part. This is waaaaaaaay longer than I expected lol

***

VI.

A year and a half after her high school graduation, Zade found herself attending her first awards show ever.

The past year was really a blur for her. Dahil wala pa siyang planong pumasok ng college, she signed up for this acting workshop just for fun. Eventually nagustuhan niya ang workshop at pinagpatuloy ito for 8 months. Naging extra rin siya sa ilang shows, naging print ad model at may dalawang commercial. Nagpakabusy siya habang inaayos pa ng manager niya ang pagrerenew ng contract niya sa dating network.

Then six months ago, her acting coach offered her a project. May isang indie film ang kapatid nito at pinilit siyang mag-audition for the lead role. Muntik na siyang hindi mag-audition nang malaman niyang isang rape victim ang gagampanang role. It took her a week to prepare for the audition and.. she got it. Kung paano na siya ang napili sa sampung magagaling na aktres na nakasabay niya, ayaw na niyang alamin. She got the part.. dapat galingan na lang niya.

Ngayon, nominated siya as Best Actress para sa New Breed Category. Hindi pa rin siya makapaniwala na nominated siya. Maraming nagsabing astounding at refreshing ang acting niya sa movie na ‘yon, na ikinagulat niya. In her opinion.. she did okay. (Her mom said otherwise. Buong magdamag umiyak ang nanay niya after mapanood ang movie. Never daw niyang inimagine na magiging ganoon ang acting skills ng anak niya.) Nomination-worthy, pero ang manalo? Hindi na siya umaasa.

Kaso nang iannounce na siya ang nanalong Best Actress.. halos himatayin na siya.

Winning that award meant the whole world for her. Finally, after almost five years of chasing her dreams, nakuha na niya ang first (and sana hindi last) acting award niya. Todo iyak at singhot siya sa kanyang acceptance speech at muntikan pa siyang madulas pababa ng stage.

But the most shocking moment of the night (aside her award)?

Binati siya ni Andreau Cortez.

Hindi niya napansin na nandoon din si Andreau sa sobrang kaba niya kanina. Sa after party siya nilapitan nito, sporting that patented charm smile.

“Wow, Zade. Congratulations!” sabi sa kanya ni Andreau sabay kamay sa kanya.

Hindi siya makapaniwala. After almost three years of no communication, nasa harapan na niya ang dating co-star niya, ang naging inspiration niya sa pag-aartista. He aged well.. so well. Ganito ba talaga kagwapo si Andreau dati?

She took his hand and shook it quickly. Bigla kasi siyang naconscious sa praises ni Andreau. “Uh.. Thank you, Andreau.”

“I’ve seen your movie. Galing mo dun ah! You did a very great job, Zade. Sana makasama ka namin ni Jillian sa next project namin!”

This wasn’t the guy who helped her with Trigonometry problems years ago. Ibang-iba na ang aura nito doon sa nakasama niya dati. Naging.. mayabang na si Andreau. Alam niyang hindi naman sila gaanong close dati pero.. bakit ganito ang trato sa kanya ni Andreau? Porke ba sobrang sikat na niya at habang siya.. nagsisimula pa lang? May isang bagay si Zade Pascual na wala si Andreau Cortez: isang acting award. (Sikat at magaling ngang umarte si Andreau pero wala pa rin itong napapalanunang award.. ever.)

She tried her best to flash a genuine smile nang lumapit sa kanila ang isang photographer for a photo. Ilang taon niyang hinintay ang moment na ‘to tapos ngayon..

She couldn’t care less. For her, nag-iba na si Andreau Cortez.

VII.

AnthologyWhere stories live. Discover now