Minsan iniisip ko kung anong trip ng tadhana. Minsan ayos, minsan hindi. Biglang may ipapakilala sayo, pero bigla din naman mawawala. Minsan naman intay ka ng intay tapos hindi naman dumadating. Minsan naman nandiyan na pala sa harap mo, hindi mo lang napapansin. Minsan naman bigla ka na lang gugulatin. Pero ang malupit yung akala mo siya na pala, yung nakatadhana para sayo, pero magugulat ka na lang hindi pa pala. Ang hirap intindihin, ang hirap makipagsapalaran. Wala kang kasiguraduhan. Pwedeng ngayon nasa tuktok ka, bukas naman nasa ilalim ka. Pwedeng ngayon lahat tama tapos bukas lahat na mali. Pwedeng ngayon masaya ka tapos bukas mamamatay ka na pala. Kaya para sakin ang pinakamahirap na kalaban ang tadhana, hindi mo alam kung kelan ka pagbibigyan at kung kelan ka pagtritripan. Buti sana kung yung ihip ng tadhana sayo ay yung parang kila Snow White, Cinderella at Sleeping Beauty atleast sila happy ending. Eh pano pag mali ang ihip sayo? Posible kaya yung happy ending na inaasam mo?