DEDICATION

2.3K 27 14
                                    

Una sa lahat gusto kong mag-pasalamat sa lahat ng taong tumulong at sumuporta sa akin.

Mula pa lang nung nag-uumpisa ako hanggang sa ngayong tapos na ito.

Sa una mahirap, lalo na pagumpisa pa lang. Dumating yung panahon na nawawalan na ko ng kompyansa sa sarili ko at sinusulat ko pero andiyan pa din kayo binibigyan ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ito.

Sa mga naging inspirasyon ko para matapos itong storya ko. Sa kapwa ko manunulat, mga istoryang nabasa at napanuod ko, mga kaibigan ko at simpleng pangyayari sa buhay ko. Lahat yun naging inspirasyon ko.

Umpisa pa lang sinasabi ko na hindi ko naman isinusulat ito dahil kailangan, sinusulat ko ito para maexpress ko ang sarili ko, mara maibahagi ko kung ano yung nasa utak ko.

Kaya kung mag-reklamo man kayo, wala ho akong pakielam. Dahil sinulat ko ang istoryong to ayon sa pag-iisip ko at ayon sa gusto ko. Kung ayaw niyo nito, wala akong pakielam. Gumawa na lang din ho kayo ng sarili niyong istorya at dun niyo ilagay lahat ng gusto niyo.

Yun lang naman. Basta kung may gusto kayong isang bagay, gawin mo lahat ng paraan para makuha ito. Siguro nga may mga pagdadaanan kang mahirap, pero kapag nakarating ka na sa dulo at nakuha mo na ito. Sobrang sarap sa pakiramdam! Kasi alam mo may natapos o nakuha kang isang bagay dahil sa abilidad mo at dahil sa talento mo.

Last! Ngayon lang ako magrerequest, pafollow naman sa Twitter and IG @iamsamnavarro

Hanggang dito na lang! Maraming salamat!

- Lovelessfreak (John Godfrey Riego De Dios Navarro)

[NO SOFTCOPIES]

FEBRUARY - DECEMBER 2012

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now