Chapter 8

2.9K 28 4
  • Dedicated kay to all my readers
                                    

<Angel's POV>


Nagising akong may napaka lapad na ngiti, don’t know why. Dahil kaya ito sa nangyari kagabi? No! Hindi pwede!

Naligo na lang ako tapos kumain tapos umalis na ng bahay.

Naglakad ako sa subdivision naming at nagiintay ng trike. Maaga pa naman eh. 

Habang naglalakad ako nakatungo lang ako ayakong ipakita yung mukha ko kasi feeling ko nagblublush ako baka sabihin pa nung ibang tao nababaliw na ko, ako lang naman magisa.

Lakad pa din ako ng lakad ng biglang may kumalabit saakin.

"Ay putang ina mo!" Fuck! Nagulat ako! ><

"Ay sorry" Natakot ko ata siya, ano ba to ganyan talaga ako pagnagugulat minsan napapamura nahawa na ko sa mga kaklase ko pero I think that's normal mahirap naman magpigil lalo na pag nagugulat ka.

"Sorry for my word, nanggugulat ka kasi eh."

"No I understand, miski rin naman ako eh tsaka kung ako yun baka nasuntok pa kita."

Nakakatakot naman tong gulatin.

"Bakit mo nga pala ko kinalabit?"

"Ah nalaglag mo kasi to eh" Sabay abot dun sa tracing papers ko.

"Ay sorry wala kasi ako sa wisho eh"

"Ok lang :)" Actually gwapo siya boyfriend material, matangkad, sobrang puti, matangos ilong, brown eyes, mahaba yung pilik mata, kissable lips. ANO BA YAN! lumalandi na naman ako.

"Ah ano nga palang pangalan mo?"

"Luigi"

"Luigi?"

"Luigi Vasquez" Tapos inabot niya saakin yung kamay niya na parang makikipag shake hands so inabot ko na din yung kamay ko "Angela Torres"

"I know!"

"Ha? Pano?"

"Magkaschool tayo" Tumingin ako sa may uniform niya, ay oo nga! magkaiba lang kami ng color ng ID lace.

"Anong course mo ba?" tanong ko

"FM" Ah bagay nga sakanya

"Engineering ka diba?"

"YEAP! Pano mo nalaman?"

"Wala lang"

"Di nga?"

"Wala nga lang. Tara na! Baka malate pa tayo"

Naglakad na lang kami hanggang kanto.

Pagdating naming dun biglang may humawak sa kamay ko

Paglingon ko si lance

"Sino siya?" He asked but full of coldness.

"Ah siya si Luigi."

“Ano mo siya?"

Taken For BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon