Nathan's Notebook

1.9K 14 3
  • Dedicated to Alexa Mae Ramos Mendoza
                                    

Naalala mo yung mga bata pa tayo? Nasa canteen ako nun eh, mag-isa lang sa table. Ayoko kasing may kasama. Gusto ko ako lang mag-isa. Kaso bigla kang lumapit sa akin, sabi mo 'Pwedeng paupo?' Naiinis nga ako sayo nun eh! Ayoko ngang may kashare pero umupo ka kagad kahit hindi pa ko pumapayag, kaya umalis na lang ako.

 

Kinabukasan inis pa din ako sayo nun! Hindi ko kasi naubos yung baon ko kaya pinagalitan ako ni mommy. Tapos di ko alam kaklase pala kita at doon ka sa pinaka likod nakaupo at lagi ka pang tulog, mas lalo tuloy akong nabwisit sayo nun! Ayoko sa mga ganon! Tapos napagalitan pa ko ng teacher natin nun dahil sayo! Hindi mo tinapon yung kalat mo ako tuloy napagbintangan.

 

Pero nung uwian na nakita kita dun sa may play ground nagswi-swing malungkot. Tapos bigla kang nilapitan nung tatlong babae tapos kinuha yung bag mo. Ako naman tong feeling super hero at biglang lumapit para ipagtanggol ka. Natatandaan ko pa nga yung sinabi ko nun eh 'Wag na wag niyo na siyang aawayin!' 'At bakit sino ka ba?'

'Ako ang boyfriend niya! At balang araw magpapakasal kami! Kaya wag niyo siyang aawayin kundi lagot kayo sa akin! Papakagat ko kayo sa alaga naming aso!' HAHA =))

 

Alala mo pa nung elementary tayo? Ang asar ko sayo nun "PAU-PAU!" Hahahaha! Ang taba mo kasi nun eh para kang siopao! Lagi ka ngang nagagalit sakin nun eh tapos magwawalk out ka tapos hahabulin naman kita tapos mag tataya-tayaan na tayo nun hanggang sa gabihin na tayo ng uwi.

Tapos bago tayo pumasok sa school nagkikita tayo sa play ground eh. Tanda mo? Magkokopyahan pa kasi tayo ng assignment, kaya parehas tayo lagi ng score.

 

Nung high school naman nagtampo ako sayo nun! Kasi nakahanap ka ng mga bago mong kaibigan, eh alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko. Tapos nung birthday ko pa! Akala ko di ka aatend pero yung pagdating mo may dala ka pang sing-sing, tinanong ko kung para saan yun sabi mo thank you yun para sa pagtatanggol ko sayo nung kinder pa lang tayo. Hahahaha! Alam mo ba yun na ang pinakapaboritong regalo na natanggap ko sa tanan ng buhay ko. Kaya lagi kong suot yun, alam ko din kasing lagot ako sayo kapag nawala yun.

 

Nung Prom natin partner tayo nun diba? Ikaw na ata ang pinaka magandang babae na nakita ko. Tapos sabi mo kinakabahan ka, kasi baka matapilok ka kasi di ka sanay mag sapatos ng mataas. Alam mo ba na dun ko narealized na may gusto na ko sayo? Kaso nahihiya akong sabihin sayo, kasi baka iwasan mo ko. Tsaka sabi mo kasi may gusto ka na. Tinatanong ko naman sayo kung sino kaso ayaw mong sabihin, kaya selos na selos ako nun! Lahat ng lumalapit sayong lalaki parang gusto kong suntukin.

 

Ikaw ang may dahilan kung bakit ko sinusuway sila mommy, kasi lagi kang nagpapasama sa park para lang magswing, ako naman tong sige ng sige. Pero kahit pinapagalitan ako masaya ako kasi nakasama kita.

 

Hanggang sa malaman ko na pupunta na kayo ng Pilipinas. Hindi mo lang alam kung ilang gabi ako umiyak nun! Sabi nga sakin nung teacher natin dati  'Alam mong mahal mo na ang isang tao kung isipin mo pa lang na mawawala na siya nanlalambot ka na.' at dahil dun nalaman kong mahal na pala kita.

 

Natatandaan mo yung umamin ako sayo? Nung paalis na kayo? Yun yung pinakamasaya at pinakamalaungkot na araw sa buhay ko. Sabi ko pa sayo na susundan kita diba? Yun na yun eh nakapagpabook na ko ng flight papuntang Pilipinas, excited na excited na kong makita, maasar, at mayakap ka!

 

Pero yung araw din yun nalaman kong ipapakasal nila ko kay Niña. Ang sama sama ng loob ko nun lalo na sa mga magulang ko! Sabi ko kila mommy ikaw ang papaksalan ko pero sabi nila malaki daw ang utang na loob namin sa pamilya nila at sa kamalas-malasan ako ang magbabayad.

 

Hindi ko sadyang saktan ka, pero nagawa ko na eh. Ang hirap hirap Angel! Habang iniisip ko na hindi na ikaw yung babaeng makakasama ko habang buhay gusto kong magpakamatay. OA man pero totoo. Kasi yun na yung plano ko eh. Ikaw tapos ako, tapos magkakaroon tayo ng maraming anak, tapos masaya tayo kahit simple lang ang buhay natin. Masaya na ko dun.

 

Hindi ko alam kung paano magsosorry sayo kaya araw araw akong nagdadala ng bulaklak sa tapat ng bahay niyo. Kahit hindi mo tinatanggap okay lang hindi ako susuko hanggang sa tanggapin mo.

 

Hanggang sa isang araw kinuha mo na. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun. Kahit na alam kong hindi mo alam  na sa akin pala galing yun. Okay lang! Kasi tuwing tinitignan mo yung mga bulaklak napapangiti ka at yun lang ang gusto kong mangyari ang maging masaya ka.

 

Pasensya na kung hindi kita pinaglaban, gustuhin ko man pero mag magiging kumplikado, gugulo maraming masasaktan at ayokong madamay ka pa dun. Kaya kahit labag man sa loob ko, pumayag na ko.

Ikaw lang ang babaeng nagpatawa sa akin ng sobrang lakas , nagpaiyak sakin ng sobrang tagal. Ikaw lang ang nagiisang kapatid, best friend, puppy love, ang babaeng iisipin ko bago matulog at pagkagisingng na pagkagising.

 

Ikaw lang ang babaeng makita ko lang masaya masaya na ko. Ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko buong buhay ko. Dahil ikaw si Pau-Pau na mataba at mukhang siopao.

 

Ikaw lang ang mamahalin ko dahil ikaw lang ang taong nagturo sa akin kung paano mag mahal at nagparamdam kung paano mahalin.

 

Ikaw lang Pauline Angela Torres...

 

Ikaw lang...

 

 

 

 

-Nathan Villarino

--

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now