Chapter 19

1.9K 14 0
  • Dedicated kay Fiona Alon de Leon
                                    

At this state, still gulat pa din ako! Anong ginagawa niya dito? Close ba sila ni Lance? Ano ba tong party na to? Punong-puno ng mga tanong ang utak ko. At kahit isa sa mga katanungan na yun walang kasagutan.

Ibang-iba yung expession ng mukha niya. Para siyang gulat na gulat na nagtataka kung bakit ako nandito. Bigla naman akong nakaramdam ng konting kirot sa puso ko, siguro nga mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Hindi rin naman kasi ganoon kadaling mawala yun. Siya laging kasama ko simula nung pagkabata ko, siya laging umiintindi sa akin. He is my first love and yet my first heart break.

"Anong ginagawa mo dito?" Nathan asked once again.

"A-ahhm---" Sasagot na sana ko ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

"Sino naman yang kinakausap mo? Umalis lang ako saglit kung kani-kanino ka nanaman nakikipaglandian---" Napatingan siya kay Nathan kaya bigla siyang huminto sa pagsasalita. Parang nagulat si Lance nung nakita niyang si Nathan yung kausap ko. Magkakilala ba sila?

After a few seconds nagbago na yung expression ni Lance. "Oh Nathan, congrats nga pala!" Lance said unformally sabay abot ng kamay niya kay Nathan. Magkakilala pala sila? Ngayon ko lang nalaman, at paano naman?

Tinitigan lang ni Nathan yung kamay ni Lance, tapos tumingin siya ulit sa akin. "Anong ginagawa niyo dito?" ang cold na nung pagkakatanong niya.

"I received an invitation. Kaya as far as I know invited kami dito?" Sagot naman ni Lance. Ano ba ha? Ano bang nangyayari? Bakit wala akong kaalam-alam?

Bigla naman umalis sa harap namin si Nathan na parang naiinis. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganon kainis, pagkatapos nung nalaman niyang aalis na kami sa AUS at magkakahiwalay na kami.

Then I faced Lance, andami kong gustong tanungin, sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Wala akong pakielam kung mainis siya sa akin kakatanong. Basta gusto kong malaman kung anong nangyayari. Kasi ngayon kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

"Lance answer me! Bakit ba tayo andito? At ano tong party-ng to? Para saan ba to? At bakit andito si Nathan? Paano kayo naging magkakilala?" Nagulat naman siya bigla sa mga tanong ko. Bakit hindi ba niya inaasahan na tatanungin ko yun?

"Eng---" Sasagot na dapat siya pero bigla siyang naputol kasi biglang may nagsalita ng malakas sa michrophone.

Pagtingin ko kung sino yung nagsalita nakita ko si Tita Angeline yung mama ni Nathan, mas bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko. 

"Ok let's now go to the highlight of this event...Nathan?" Yung spotlight naman biglang tumutok kay Nathan at sa isang girl. Oh I rember that girl! Siya yung ... yung pinakilala sa akin ni Nathan na girlfriend niya!

Unti-unti ng naabsorb ng utak ko yung mga nangyayari. Pero ayokong magjump sa conclusion. Pero mas lalo akong nagulat dun sa sunod na ginawa ni Nathan. He kneeled sa harap nung babae. Ewan ko pero unti-unting sumisikip yung dibdib ko, now I'm having a hard time catching my heart beats.

Taken For BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon